SAC ng Simbahang Katolika, nakaantabay sa epekto ng malawakang pagbaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Patuloy na naka-monitor ang mga parokya at mga organisasyon ng Simbahang Katolika mula sa epekto ng Habagat at bagyong Fabian.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng assessment ang mga volunteer’s ng Caritas Manila sa mga lugar na binaha gaya ng Baseco Compound at Smokey Mountain na nasasakupan ng Risen Christ Parish kung saan nasa mahigit 1,000 pamilya ang naitala na nagsilikas.

Ilang residente din ang naapektuhan ng pagbaha sa Our Lady of Assumption at Our Lady of Remedies sa lungsod ng Maynila.

Tiniyak naman ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Disaster and Relief Response Unit nito na Caritas Damayan na may mga nakahanda silang food packs at mga bigas na maari nang ipadala sa mga apektadong residente.

Kaugnay nito, lubog din ngayon sa baha ang ilang mga lugar sa Diocese of Antipolo partikular na sa Cainta, Rizal.

Sa update ng Caritas Antipolo, mataas na din ang tubig sa Holy Trinity Parish sa Village East, Cainta Rizal habang apektado din ang mga residente ng Immaculate Conception Parish sa Vista Verde Executive Village.

Naka-monitor din ang Diyosesis sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Marikina River at evacuation ng mga residente na nakatira malapit dito.

Nahanda na din ang Commission on Social Action ng Diocese of Malolos sa Bulacan para sa mga posibilidad ng relief operation.

Inihayag ni Rev. Fr. Efren Basco, Social Action Director ng Diyosesis na may mga nakahanda silang bigas na maaring ipamigay sa mga apektadong residente habang nagpapatuloy naman ang kanilang pamimigay ng gift certificate na mula sa Caritas Manila.

“May naka stage kami na bigas yun nga lang sabi ko kay Bishop [Dennis Viillarojo] na if may hihingi ng tulong refer lang sa amin kasi yun coordinators namin sa mga Parokya ay nabaha din pero kaya pa naman support lang tayo sa kanila” pahayag ni Fr. Basco.

Ilang Bayan sa Bulacan ang agad na nilubog sa baha matapos sabayan ng high tide ang tuloy tuloy na buhos ng ulan.

Bagamat nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Fabian ay patuloy nitong hinahatak ang Habagat dahilan ng patuloy na pag-ulan na nararanasan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 266 total reads

 266 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,757 total reads

 38,757 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,029 total reads

 265,029 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,494 total reads

 158,494 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,511 total reads

 252,511 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,794 total reads

 110,794 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top