Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Umaapela ng tulong ang Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro dahil sa nararanasang mga pagbaha at paglindol sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon kay Rev. Fr. Rolando Villanueva, Social Action Director ng San Jose Mindoro, kasalukuyang silang nakakaranas ng matinding pagbaha partikular na sa bayan ng Sablayan.

Inihayag ng Pari na hanggang sa kasalukuyan ay wala ring elektrisidad sa malaking bahagi ng kanilang lugar at apektado ang maraming mamamayan dahil sa malawakang pagbaha habang sumabay din ang malakas na lindol kaninang madaling araw.

“Mataas po ang tubig at hindi kaya ng service namin, bukas isang Misa lang ako tapos iikot na muli kung kaya ng service ko, kahapon nag-motorboat lang sina Governor Gadiano para makapasok at maghatid ng tulong,” mensahe ni Fr. Villanueva sa Radio Veritas.

Nagdulot din ng pangamba at pagkabahala sa mga residente nang maramdaman naman ang Intensity V na paglindol.

“Ang katabi namin ay affected din, ‘yong Sta. Cruz, Sablayan po ang malaking apektado, malakas din ‘yong lindol kaninang madaling araw – the strongest that I felt since I arrived here,” dagdag pa ng Pari at kura Paroko ng St. Joseph the Worker Parish.

Umaasa si Fr. Villanueva na mabigyan ng pansin ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa bahagi ng mga basic needs gaya ng pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 261 total reads

 261 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,752 total reads

 38,752 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,024 total reads

 265,024 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,489 total reads

 158,489 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,506 total reads

 252,506 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,793 total reads

 110,793 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top