Impeachment complaint kay Robredo, walang basehan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 279 total views

Walang matibay na batayan ang impeachment complaint na isinampa kay Vice President Leni Robredo kung ibabatay lamang ito sa ipinadalang video message ng bise presidente sa pagpupulong ng United Nations Commission on Narcotics Drug.

Ayon kay Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform, dahil sa demokrasyang umiiral sa bansa ay may karapatan ang mga opisyal ng pamahalaan na maghayag ng kanilang puna at kumento sa kasalukuyang estado ng bansa na hindi maituturing na betrayal of public trust o culpable violation of the constitution.

Paliwanag ni Casiple, maari lamang tugon ito ng mga taga-suporta ng Pangulo sa una nang inihaing impeachment complaint laban dito.

“Actually walang basis kung usapin lang ng substance yung video na sinasabi, in a democracy you are allowed to do it lalo na kung opposition ka, wala namang anything na puwedeng sabihing betrayal of public trust or culpable violation of the constitution, mga grounds yan na mabibigat, kaya nga tingin ko dun immediate reaction dahil dun sa impeachment complaint na inihain against the President…”pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Gayunpaman, ipinatitigil ng Pangulong Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa bise presidente na isang halal na opisyal ng bayan at makasisira lamang sa kasalukuyang istruktura ng pamahalaan.

Nauna rito, iginiit ni San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhilio Aquino na hindi pagtataksil sa bansa ang mga pahayag ni Robredo sa U-N.

See: http://www.veritas846.ph/mensahe-ni-robredo-sa-un-hindi-pagtataksil-sa-pilipinas/

Bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ukol sa politika ang seryoso at kawalan ng sariling interes ng bawat opisyal sa posisyon at kapangyarihan upang tunay na mapaglingkuran ang taumbayan ng tapat at dalisay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,590 total views

 48,590 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,459 total views

 44,459 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,661 total views

 80,661 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,348 total views

 89,348 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,546 total views

 114,546 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top