Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“In Samuel, our bishop, we have seen the face of God.”

SHARE THE TRUTH

 1,970 total views

Ito ang binigyang-diin ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa homiliya sa pagluklok kay Bishop Samuel Agcaracar, SVD, bilang ikalimang obispo ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija.

Ayon sa arsobispo ito rin ay isang malinaw na panawagan ng pagbabalik-loob kaakibat ang pagpapadama ng awa at paghilom sa pamayanan.

“Bishop Sam comes to the church in San Jose carrying the gospel of repentance, but also carrying the gift of forgiveness.
Carrying the prophecy of conversion, but also carrying the prophecy of healing. Because in this repentance and in this healing, all of us may be one in Christ,” ayon kay Archbishop Villegas.

Ayon pa sa arsobispo na ang pagtatalaga kay Bishop Agcaracar ay hindi lamang bunga ng pagkakataon kundi malinaw na kalooban ng Diyos.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na bago pa likhain ng Diyos ang sanlibutan, alam na Niya ang misyong ipinagkatiwala sa batang Samuel mula Claveria, na maging isang pastol na handog ng Diyos sa Simbahan ng San Jose.

Inilarawan ng arsobispo ang kalagayan ng lalawigan bilang “mayaman at sagana,” ngunit “uhaw sa kahulugan, layunin, at sa Diyos.”

“San Jose is rich and abundant, but it is also thirsting for meaning, for purpose, and for God—and God comes to us as a bishop; in our new shepherd, Samuel
Agaragar, SVD,” dagdag pa ng arsobispo.

Inihalintulad ni Archbishop Villegas ang pangalan at misyon ni Bishop Agcaracar sa propetang si Samuel sa Lumang Tipan, ang propetang nagbuklod sa Israel sa pamamagitan ng matapang na panawagan sa pagsisisi.

“Sin divides, but repentance unites all of us. There can be no sense of unity without the virtue of humility,” giit nf arsobispo.

Gayunman, iginiit ng arsobispo na ang pagsisisi ay hindi maaaring ihiwalay sa pagpapagaling at kapatawaran.

Ibinahagi ni Archbishop Villegas ang isang kuwento ng batang may malubhang karamdaman na hindi natakot sa kamatayan dahil nakita nito ang mukha ng Diyos sa kanyang pari kung saan inihalintulad at hamon din ng arsobispo sa bagong obispo ng San Jose na makita ng mahigit kalahating milyong katolikong ipapastol ang mukha ng Diyos kay Bishop Agcaracar.

“If God is like you, we will not be afraid to repent; we will not hesitate to receive forgiveness,” saad ni Archbishop Villegas.

Umaasa si Archbishop Villegas na sa paglipas ng panahon, kapag hindi na mababanggit ang pangalan ni Bishop Samuel sa mga pagdiriwang ng banal na misa ng diyosesis ay patuloy itong maalaala ng pamayanan ng San Jose bilang isang banal na obispo, isang pastol na nag-anyaya sa pagsisisi, nagkaloob ng awa, at nagbuklod sa bayan kay Kristo.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklol kay Bishop Agcaracar sa St. Joseph the Worker Cathedral sa San Jose City katuwang si Archbishop Villegas at sinaksihan ng mga obispo, pari, relihiyoso, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at pamayanan ng diyosesis.

Magiging katuwang ni Bishop Agcaracar sa misyon ang 41 mga pari sa 22 mga parokya, at apat na mission stations.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 50,192 total views

 50,192 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 68,541 total views

 68,541 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 86,825 total views

 86,825 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 241,692 total views

 241,692 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 286,139 total views

 286,139 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top