NASAGA 2026, nagbukas ng mas matatag na pagtutulungan sa pagtugon sa kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,605 total reads

Nakibahagi ang social arm ng Diyosesis ng Virac, Catanduanes, sa ginanap na 42nd National Social Action General Assembly (NASAGA) 2026, na isang linggong pagtitipon na naglalayong patatagin ang ugnayan, pagninilay, at panibagong sigla sa panlipunang misyon ng Simbahan.

Ayon sa Caritas Virac, nagsilbing mahalagang espasyo ang NASAGA para sa mas malalim na talakayan hinggil sa gampanin ng Simbahan sa pagtugon sa mga hamon ng kasalukuyang lipunan, lalo sa usapin ng kahirapan, kawalan ng katarungan, at kalagayan ng mga nasa laylayan.

Dagdag ng institusyon, nagbukas din ang pagtitipon ng mas malinaw na landas para sa mas matibay na pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan, lalo na sa pagbabantay at pagsuporta sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap at pinakabulnerableng sektor.

“The gathering provided a valuable space for learning best practices, building partnerships, and renewing our shared mission to serve those most in need. It was also a time for prayer, fellowship, and cultural exchange, strengthening the bonds among dioceses and inspiring everyone to return to their local Churches with renewed zeal,” ayon sa Caritas Virac.

Pinangunahan ng Diyosesis ng Imus, sa pamamagitan ng Caritas Imus, at katuwang ang Caritas Philippines—ang humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines—ang NASAGA 2026 na dinaluhan ng humigit-kumulang 500 obispo, pari, relihiyoso, at social action workers mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Isang mahalagang bahagi ng NASAGA 2026 ang pagdalo ng ilang miyembro ng gabinete, kabilang sina Education Secretary Sonny Angara, Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, at Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Executive Director Kiko Benitez Yee.

“Their engagement opened pathways for stronger collaboration between the Church and the government in service to communities, especially the poor, the marginalised, and the most vulnerable,” saad ng Caritas Virac.

Tema ng 42nd NASAGA 2026 ang “Sulong-Padayon: Pag-asa, Pananagutan, Pagbabago,” na ginanap mula February 2-5, 2026 sa Mother of Grace Convention Center sa Tagaytay City.

Unang isinagawa ang NASAGA noong 1969 bilang pagtitipon ng mga Social Action Center (SAC) directors at volunteers upang talakayin at pagtibayin ang mga mahahalagang resolusyon kaugnay ng mga programa, serbisyong panlipunan, at pagpapaunlad ng organisasyon ng National Secretariat for Social Action (NASSA), na kalauna’y naging Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 53,535 total reads

 53,535 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 158,093 total reads

 158,093 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 194,880 total reads

 194,880 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 225,456 total reads

 225,456 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 271,706 total reads

 271,706 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,292 total reads

 57,292 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top