Pagdarasal ng “oratio imperata” panawagan ng Diocese of Kalibo sa banta ng bagyong basyang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,565 total reads

Nanawagan ang Diyosesis ng Kalibo sa lahat ng mananampalataya na magbuklod sa pananalangin sa pamamagitan ng Oratio Imperata bilang tugon sa banta ng Tropical Depression Basyang.

Sa opisyal na panawagan ng diyosesis, hinihikayat nito ang buong sambayanan na magkaisa sa taimtim na panalangin, paghingi ng proteksyon at kaligtasan para sa lahat, lalo na sa mga komunidad na higit na nanganganib sa pinsala na dulot ng bagyo.

Ipinagkakatiwala ng Diyosesis ng Kalibo ang buong lalawigan sa pamamagitan ng patron ng diyosesis na si San Juan Bautista, upang ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa mula sa anumang kapahamakan o sakuna.

“Through the intercession of St. John the Baptist, our beloved patron of the Diocese of Kalibo, let us unite our minds and hearts in fervent prayer. For in prayer, we find our strength and our hope. Together as one people, may we humbly implore God to shield us from all harm, guard us from calamities, and grant us deliverance from every trial and suffering.” Bahagi ng panawagan ng Diyosesis ng Kalibo.

Sa gitna ng banta ng kalamidad, nananatiling matatag ang paniniwala ng Diyosesis ng Kalibo na ang panalangin ay sandigan ng lakas at pag-asa, sapagkat ang Diyos ay laging kasama ng Kanyang bayan.

Hinimok din ng pamunuan ng diyosesis ang mga parokya, kapilya, at pamilyang Kristiyano na isama ang Oratio Imperata sa mga Banal na Misa at personal na panalangin, bilang paghahanda at pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Ang Oratio Imperata ay tanda ng pananampalatayang aktibo at mapagkalinga na isang paalala rin na sa gitna ng unos at kawalan ng katiyakan, ang sambayanan ng Diyos ay hindi nag-iisa, kundi sama-samang humaharap sa hamon sa pamamagitan ng pananalangin, pananalig, malasakit, at pagkakaisa.

Ang Bagyong Basyang ang ikalawang bagyo ngayong taon na kasalukuyang nakakaapekto sa ilang mga bahagi ng bansa partikular na sa silangang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 23,272 total reads

 23,272 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 82,213 total reads

 82,213 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 115,546 total reads

 115,546 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 147,690 total reads

 147,690 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 213,749 total reads

 213,749 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 227,825 total reads

 227,825 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 23,273 total reads

 23,273 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »
Scroll to Top