“In Samuel, our bishop, we have seen the face of God.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,602 total reads

Ito ang binigyang-diin ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa homiliya sa pagluklok kay Bishop Samuel Agcaracar, SVD, bilang ikalimang obispo ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija.

Ayon sa arsobispo ito rin ay isang malinaw na panawagan ng pagbabalik-loob kaakibat ang pagpapadama ng awa at paghilom sa pamayanan.

“Bishop Sam comes to the church in San Jose carrying the gospel of repentance, but also carrying the gift of forgiveness.
Carrying the prophecy of conversion, but also carrying the prophecy of healing. Because in this repentance and in this healing, all of us may be one in Christ,” ayon kay Archbishop Villegas.

Ayon pa sa arsobispo na ang pagtatalaga kay Bishop Agcaracar ay hindi lamang bunga ng pagkakataon kundi malinaw na kalooban ng Diyos.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na bago pa likhain ng Diyos ang sanlibutan, alam na Niya ang misyong ipinagkatiwala sa batang Samuel mula Claveria, na maging isang pastol na handog ng Diyos sa Simbahan ng San Jose.

Inilarawan ng arsobispo ang kalagayan ng lalawigan bilang “mayaman at sagana,” ngunit “uhaw sa kahulugan, layunin, at sa Diyos.”

“San Jose is rich and abundant, but it is also thirsting for meaning, for purpose, and for God—and God comes to us as a bishop; in our new shepherd, Samuel
Agaragar, SVD,” dagdag pa ng arsobispo.

Inihalintulad ni Archbishop Villegas ang pangalan at misyon ni Bishop Agcaracar sa propetang si Samuel sa Lumang Tipan, ang propetang nagbuklod sa Israel sa pamamagitan ng matapang na panawagan sa pagsisisi.

“Sin divides, but repentance unites all of us. There can be no sense of unity without the virtue of humility,” giit nf arsobispo.

Gayunman, iginiit ng arsobispo na ang pagsisisi ay hindi maaaring ihiwalay sa pagpapagaling at kapatawaran.

Ibinahagi ni Archbishop Villegas ang isang kuwento ng batang may malubhang karamdaman na hindi natakot sa kamatayan dahil nakita nito ang mukha ng Diyos sa kanyang pari kung saan inihalintulad at hamon din ng arsobispo sa bagong obispo ng San Jose na makita ng mahigit kalahating milyong katolikong ipapastol ang mukha ng Diyos kay Bishop Agcaracar.

“If God is like you, we will not be afraid to repent; we will not hesitate to receive forgiveness,” saad ni Archbishop Villegas.

Umaasa si Archbishop Villegas na sa paglipas ng panahon, kapag hindi na mababanggit ang pangalan ni Bishop Samuel sa mga pagdiriwang ng banal na misa ng diyosesis ay patuloy itong maalaala ng pamayanan ng San Jose bilang isang banal na obispo, isang pastol na nag-anyaya sa pagsisisi, nagkaloob ng awa, at nagbuklod sa bayan kay Kristo.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklol kay Bishop Agcaracar sa St. Joseph the Worker Cathedral sa San Jose City katuwang si Archbishop Villegas at sinaksihan ng mga obispo, pari, relihiyoso, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at pamayanan ng diyosesis.

Magiging katuwang ni Bishop Agcaracar sa misyon ang 41 mga pari sa 22 mga parokya, at apat na mission stations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 37,251 total reads

 37,251 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 91,188 total reads

 91,188 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 154,870 total reads

 154,870 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 222,735 total reads

 222,735 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 252,916 total reads

 252,916 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top