Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Inspirasyon para sa lahat

SHARE THE TRUTH

 234 total views

Mga Kapanalig, nag-uwi ang Pilipinas ng 117 na medalya mula sa katatapos lamang na ASEAN Para Games na ginanap sa Cambodia. Nakakuha ang ating mga para-athletes ng 34 gold medals, 33 silver medals, at 50 bronze medals. Hindi man ganoon kalaki ang natanggap na atensyon ng ating mga manlalaro sa ASEAN Para Games, malaki namang karangalan ang kanilang ibinigay para sa ating lahat.    

Ang ASEAN Para Games ay nilalahukan ng mga atletang may kapansanan gaya ng mobility disabilities, visual disabilities, at intellectual disabilities. Biruin ninyo, hindi hadlang sa kanila ang mga itinuturing ng karamihan bilang mga limitasyon upang katawanin ang bansa sa iba’t ibang laro. At hindi birong laro ang mga ito. Humakot tayo ng medalya sa athletics, judo, powerlifting, swimming, at maging sa wheelchair basketball. Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng matinding lakas ng pangangatawan, talas ng isip, at, higit sa lahat, puso. Mayroon ang lahat ng iyan ang ating mga para-athletes 

Gayunman, hindi lahat ng kababayan nating may kapansanan ay katulad nilang nabibigyan ng pagkakataong paunlarin ang kanilang talento at kalagayan sa buhay. Ito ay kabila ng pagiging una ng Pilipinas sa mga bansa sa Asya na nagkaroon ng Magna Carta for Persons with Disability (o PWD) noong 1992. Mayroon din tayong mga batas na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaang magtatag ng PWD Affairs Office, nagpapalawak ng oportunidad para magkaroon ang mga PWD ng trabaho, at nagbibigay sa kanila ng discount at exemption sa pagbabayad ng value-added tax. Ngunit katulad ng maraming batas sa bansa, magaganda lamang sila sa papel pero hindi naman nararamdamang naipatutupad nang maayos. 

Marami at mabibigat ang hamong kinakaharap ng mga kababayan nating PWD. Nakararanas sila ng diskriminasyon sa trabaho. Kakaunti ang mga oportunidad para sa kanila upang makamit ang kanilang mga karapatang mamuhay nang matiwasay at makalahok sa buhay-pulitika ng bansa. Kulang na kulang pa rin ang mga pasilidad sa mga pampublikong gusali katulad ng mga paaralan upang maayos na makagalaw ang mga hindi makalakad, walang paningin, at may iba pang kapansanan. May mga kababayan tayong PWD na hindi nakapag-aaral dahil kulang sa mga aklat na naka-Braille para sa mga bulag at kakaunti laman ang mga sign language interpreters para sa mga bingi. Ilan lamang ang mga ito sa mga nararanasang hirap ng tinatayang 1.44 milyong PWD sa ating bansa. 

Tumindi ang mga hamong ito noong pandemya. Naging mahirap para sa mga estudyanteng PWD na makisabay sa online learning. Noong 2020, 70% sa mga manggagawang PWD ang nagsabing lubhang naapektuhan ang kanilang paghahanapbuhay. Marami sa kanila ang hindi kayang mag-work-from-home o kaya naman ay nasa mga trabahong no-work-no-pay. Kung tayong mga walang kapansanan ay nahirapang makaraos noong kasagsagan ng pandemya, paano pa kaya ang mga kababayan nating PWD?  

Ang malasakit sa mga kapatid nating PWD ay kitang-kita natin sa naging ministeryo ni Hesus. Sa Mateo 11:3-5, pinagaling sila ni Hesus: nakakita ang mga bulag, nakalakad ang mga pilay, at nakarinig ang mga bingi. Ang pagkalingang ito sa mga may kapansanan ang inaasahan sa ating mga tagasunod ng Panginoon. Ito ay umuusbong sa katotohanang ang bawat tao—kahit ang mga may kapansanan—ay may angking dangal bilang mga tao, gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Pacem in Terris. 

Mga Kapanalig, napakalaking inspirasyon talaga—lalo na para sa mga PWD—ang tagumpay na nakamit ng ating mga para-athletes sa ASEAN Para Games. Sana ay makatanggap sila nang mas malaking suporta mula sa ating pamahalaan. Maging paalala rin sana sila na malaki ang ambag ng mga PWD sa ating lipunan kung bibigyan lamang sila ng patas na pagkakataon sa buhay—mapa-sports man ito sa iba pang larangan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,037 total views

 11,037 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,010 total views

 17,010 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,765 total views

 22,765 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,028 total views

 30,028 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,012 total views

 38,012 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 11,038 total views

 11,038 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 17,011 total views

 17,011 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 22,766 total views

 22,766 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 30,029 total views

 30,029 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 38,013 total views

 38,013 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,821 total views

 35,821 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,825 total views

 47,825 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,867 total views

 55,867 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,424 total views

 47,424 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,849 total views

 45,849 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,635 total views

 47,635 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,560 total views

 44,560 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,874 total views

 58,874 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,564 total views

 62,564 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,167 total views

 61,167 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top