Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipadayon ang paglilingkod bilang katiwala ng biyaya ng Diyos.

SHARE THE TRUTH

 24,350 total views

Ito ang tema ng ginanap na Pastoral Assembly ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa mula Pebrero 6-8, 2024 sa Seminario de San Jose, Tiniguiban, Puerto Princesa City, na nilahukan ng nasa 316 na parish lay leaders, religious women, seminarians, at mga pari ng bikaryato.

Ayon kay AVPP Pastoral Director Fr. Joseph Cacacha, ang ‘ipadayon’ ay mula sa diyalekto ng Cuyo, Palawan na nangangahulugang ipagpatuloy, at napiling paksa ng bikaryato bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang sa ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan.

Ibinahagi naman ni Fr. Cacacha na layunin ng pastoral assembly na pagtuunan ang isinagawang synodal consultation ng bikaryato upang maibahagi ang naging resulta at matukoy ang saloobin ng mga mananampalataya.

“Una, binalikan namin ‘yung synthesis report ng Synod at ipinaliwanag sa mga tao ang mga nilalaman ng synthesis report. Nagkaroon kami ng small group sharing para pag-usapan ang feedback ng mga mananampalataya tungkol dito. Pangalawa ay aming binalikan ang pastoral program kasi matapos ‘yung consultation na ginawa noong 2021, minarapat ni Bishop Socrates Mesiona na makapaggawa kami ng five-year plan base doon sa resulta nung aming diocesan synodal consultation,” pagbabahagi ni Fr. Cacacha. Umaasa naman ang pari na ang mga saloobin at mungkahi ng mga mananampalataya sa konsultasyon ay makatulong sa pagbuo ng mga plano para sa bikaryato.

Gayundin ang panawagan ni Fr. Cacacha na buong-pusong gampanan ng mga mananampalataya ang pagiging katiwala ng Diyos tungo sa higit na pagpapayabong ng pananampalataya.

“Inaasahan natin ‘yung ownership ng mga tao na ito ay plano natin. Hindi lang ito plano ng mga pari, hindi lang ‘to plano ni Bishop kun’di ito ay plano natin as a vicariate bilang isang local na simbahan. Atin ito so, nandun ‘yung sense of ownership. Asahan namin na dahil d’yan ay mas magiging masigasig ‘yung bawat mananampalataya na isulong itong aming mga ninanais para sa aming lokal na simbahan,” ayon kay Fr. Cacacha.

Magugunita noong Agosto 2022 hanggang 2023 nang ipagdiwang ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya sa Palawan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 72,999 total views

 72,999 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 104,994 total views

 104,994 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,786 total views

 149,786 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,736 total views

 172,736 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,134 total views

 188,134 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 268 total views

 268 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,355 total views

 11,355 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,497 total views

 6,497 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top