Pro-Life Philippines President, keynote speaker ng Walk for Life 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,386 total reads

Inihayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagsisilbing pangunahing tagapagsalita ng pangulo ng Pro-Life Philippines sa nakatakdang Walk for Life 2024.

Ito ang ibinahagi ni LAIKO Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siya ring chairman ng Walk for Life 2024 sa nakatakdang gawain na may tema ngayong taon na “Together, We Walk for Life”.

Ayon kay Loteyro, pangungunahan ni Pro-Life Philippines President Bro. Bernard Factor Canaberal ang keynote speech sa nakatakdang Walk for Life 2024 na inaasahang tatalakay sa patuloy na pagpapalakas sa misyon at adbokasiya ng mga layko para sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang.

“Walk for Life proudly announces that its keynote speaker for this year is Mr. Bernard Canaberal of Pro-Life Philippines. He is a passionate advocate of the pro-life mission and a prophetic voice for our time. Together, let us learn from him and be empowered as we continue to commit ourselves to promoting the culture of life.” Bahagi ng pahayag ng LAIKO.

Nakatakda ang Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga na muling isasagawa sa pangalawang pagkakataon sa Pontifical and Royal University of Santo Tomas (UST).

Magsisimula ang paglalakad para sa buhay sa Welcome Rotonda, Quezon City patungo sa University of Santo Tomas (UST) Grandstand sa España, Manila kung saan magkakaroon ng maikling programa bago ang Banal na Misa na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Inaasahan naman ang pakikibahagi sa gawain ng may 5,000 delegado mula sa iba’t ibang National Catholic Lay Organizations at mga diocesan Councils of the Laity ng mga kalapit na diyosesis kung saan inaasahan din ang pagsasagawa ng lokal na Walk for Life sa iba pang mga diyosesis sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,806 total reads

 43,806 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 129,170 total reads

 129,170 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,907 total reads

 175,907 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 223,779 total reads

 223,779 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 325,719 total reads

 325,719 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top