594 total views
Humiling ng paggabay sa Panginoon si Ozamis Archbishop Martin Jumoad upang ipag-adya ang bansa sa pinsalang maaari pang idulot ng Bagyong Paeng.
Idinadalangin ni Archbishop Jumoad na lumihis nawa ang direksyon ng bagyo sa lugar na walang maaapektuhan, nang sa gayon ay maiwasang madagdagan pa ang maging biktima ng sakuna.
Umaasa rin ang Arsobispo na bagamat mga makasalanan ay kaawaan ng Panginoon ang mga tao upang muling makamtan ang pag-asa sa kabila ng mga hinaharap na pagsubok.
“We are sinners but we beg You to protect all of us Your people. Redirect the wind and let it go to other areas where there are no inhabitants. Show us Your mercy even if we do not deserve Your blessings for, we come before You repentant of our sins. Hear our prayers and rescue all of us from these natural calamities. Pity the children, elderly and the poor who have no one else to turn to except You, Almighty Lord,” panalangin ni Archbishop Jumoad mula sa panayam ng Radio Veritas.
Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 5,000 indibidwal na mula sa Bicol Region at Western Visayas ang nagsilikas, habang nasa higit 1,300 pamilya o 5,300 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
Kasalukuyan namang tinutukoy ang mga nasawing indibidwal sa Maguindanao sanhi ng landslide at malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Paeng.
Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinapanatili ng Bagyong Paeng ang lakas nito habang papalapit sa bahagi ng Eastern Samar at Northern Samar.