Kaligtasan ng lahat, dalangin ni Bishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,293 total views

Ipinapanalangin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang kaligtasan ng lahat mula sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ayon sa Obispo, bukod sa paghahanda ay mahalaga rin ang pananalangin upang ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa mula sa anumang pinsala na maaring idulot ng bagyo.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat ay isa ring paraan ng pakikiisa para sa mga kababayan nating nakararanas na ng hagupit ng Bagyong Paeng.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa kabila ng distansya o layo sa isa’t isa ay magkakasama pa rin ang lahat sa diwa at pananalig sa Panginoon na hindi kailanman pababayaan ang sinuman sa oras ng pangangailangan.

“Dalangin ko ang kaligtasan ng lahat. Ipaubaya natin ang ating mga sarili sa Panginoon habang ginagawa natin ang nararapat na paghahanda sa pagdating ng bagyo. Ang ating panalangin at pakikiisa sa mga kapatid nating nakararanas ng hagupit ng bagyo. Malayo man, magkakasama tayo sa diwa at pananalig sa Panginoon,” ang dalangin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon.

Ang Bagyong Paeng na ang ika-16 na bagyo ngayong taon mula sa halos 20-bagyo na karaniwang nananalasa sa bansa kada taon.

Una ng tiniyak ng mga Social Action Centers na nakahanda ang Disaster Risk Reduction Response ng bawat ng diyosesis upang tulungan ang mga nangangailangan at maaaring mga maapektuhang residente ng mga pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan dahil sa bagyo.

Read:

Archdiocese of Nueva Caceres, nakahanda na sa Bagyong Paeng

Naunang hiniling sa panginoon nina Ozamis Archbishop Martin Jumoad at Surigao Bishop Antonieto Cabajog ang kaligtasan ng mamamayan sa pinsalang dulot ng bagyong Paeng sa bansa.

Read:

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Paeng, panalangin ni Bishop Cabajog

Ipag-adya ang bansa sa pinsala ng Bagyong Paeng, hiling ng Arsobispo sa Panginoon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 87,462 total views

 87,462 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 131,070 total views

 131,070 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 213,362 total views

 213,362 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 223,719 total views

 223,719 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top