Archdiocese of Nueva Caceres, nakahanda na sa Bagyong Paeng

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,222 total views

Tiniyak ng Archdiocese of Caceres ang ginagawang paghahanda ng Simbahan mula sa banta ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, pinangungunahan ng Social Action Center ng arkidiyosesis sa pamamagitan ng Caritas Caceres ang paghahanda sa para sa posibilidad ng pananalasa ng bagyong Paeng sa lugar.

Ibihagi ng Arsobispo na pinangangasiwaan ni Social Action Director Rev. Fr. Marc Real ang pagtiyak sa kahandaan ng bawat parokya lalo na ang mga coastal parishes na maaaring masalanta ng bagyo.

Sa mensaheng ipinaabot ni Archbishop Tirona sa Veritas Patrol ay ibinahagi nito ang ginagawang paghahanda ng Caritas Caceres at pagbabantay sa lakas at direksyong tinatahak ng bagyong Paeng at ang posibleng epekto nito sa mga komunidad.

“Our staff continues to monitor [Bagyong] Paeng’s movement & its potential damage to our parish communities. Though Camarines Sur is not on its direct path, some of our coastal parishes especially those facing d Pacific might experience its destructive effects,” ang bahagi ng mensahe ni Fr. Real.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Fr. Real ang paghahanda ng mga parokyang maaring masalanta ng bagyo kabilang na ang agad na pag-uulat at pagbibigay alam ng kanilang sitwasyon sa Caritas Caceres upang agad na makaresponde sa kanilang mga kagyat na pangangailagan.

Tiniyak din ng Pari ang pagkakaroon ng prepositioned relief goods ng Caritas Caceres upang agad na maipamahagi sa mga parokya at komunidad na maapektuhan ng bagyo.

“Parishes concerned are advised to mobilize their PaDRe Teams & be quick to inform us in cases of dire situations so that we can respond accordingly. Regarding our prepositioned relief goods, we wish to prioritize those who are/will be severely affected,” dagdag pa ni Fr. Real.

Sa bahagi nga ng Simbahan, bukod sa pagdarasal na ipag-adya ang bansa mula sa anumang kalamidad at sakuna, ang pangangalaga sa kalikasan at ang kaalaman sa paghahanda laban sa iba’tibang sitwasyon ay dapat na isaalang-alang ng publiko para sa kaligtasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 87,471 total views

 87,471 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 131,079 total views

 131,079 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 213,371 total views

 213,371 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 223,728 total views

 223,728 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top