Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang kaluluwa ng mga namayapa sa tahanan, simbahan sa pagdiriwang ng Todos Los Santos

SHARE THE TRUTH

 508 total views

September 17, 2020-1:52pm

Nilinaw ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na hindi naman ipinagbabawal ang pagbisita ng publiko sa mga sementeryo.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang iniiwasan ay ang pagdagsa ng mga tao sa mga puntod dahil sa panganib ng pagkahawa sa novel coronavirus lalu na sa pampublikong lugar.

Panawagan ng obispo na sa mga mananampalataya na ang mahalaga ay alalahanin ang mga namayapa kahit hindi man magtungo sa mga puntod.

“Kahit na hindi kayo makabisita sa sementeryo, tandaan natin na ang mas mahalaga ay ang maalaala yung mga namatay at saka ipagdasal sila,” ayon kay Bishop Pabillo sa Pastoral Visit on-air ng Barangay Simbayanan.

Paliwanag pa ng obispo na ang pag-alaala at pag-aalay ng panalangin para sa mga namayapa ay maaring isagawa sa bawat tahanan gayundin sa ating pagsisimba sa Parokya.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, maari pa rin naman ang pagpupunta sa mga puntod bagama’t dapat itong isasagawa ng sabay-sabay upang maiwasan ang maraming mga tao.

“That can have a solution by coming to the cemetery, not necessarily on November 1 and November 2 so maybe before… or the whole month of November. Ang mahalaga maalala natin sila at ipagdadasal natin sila,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Giit pa ng obispo na maari rin namang isagawa ang pananalangin para sa mga kaluluwa sa bahay bilang pagtiyak sa kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Manila Mayor Francisco Domagoso sa mamamayan na pansamantalang isasara ang mga sementeryo ng lungsod tulad ng Manila North Cemetery mula sa ika-31 ng Oktubre hanggang ikatlo ng Nobyembre upang maiwasan ang dagsa ng mga tao.

Tinatayang may 16 na sementeryo sa Metro Manila kabilang na dito ang apat na malalaking sementeryo sa lungsod sa Maynila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,222 total views

 73,222 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,217 total views

 105,217 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,009 total views

 150,009 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,959 total views

 172,959 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,357 total views

 188,357 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 490 total views

 490 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,555 total views

 11,555 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 38,295 total views

 38,295 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top