Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal si Cardinal Tagle sa napakaraming assignment sa Vatican

SHARE THE TRUTH

 6,214 total views

Hinimok ng opisyal ng Pontificio Collegio Filippino (PCF) ang mananampalatayang Filipino na ipanalangin ang dating arsobispo ng Maynila na pinagkatiwalaan ng Santo Papa Francisco sa iba’t ibang gawain at tanggapan sa Vatican.

Ito ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston makaraang muling atasan ng Santo Papa si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle President-Emeritus ng Caritas International na maging katuwang ng pansamantalang tagapangasiwa ng international humanitarian aid ng Vatican.

“Kaya talagang ipagdasal natin si Cardinal Tagle kasi napakarami ng kanyang assignments sa iba’t ibang offices ng Vatican. Pati na rin sa iba’t-ibang mga grupo ng simbahan, governments, private organizations at individuals sa buong mundo, marami rin ang gustong makipag-usap at mag-consult kay Cardinal Tagle.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Nilinaw naman ni Fr. Gaston na hindi tinanggal sa tungkulin si Cardinal Tagle, bagkus ay nataon ang pagpapanibago at muling paglulunsad ng Caritas sa pagtatapos ng termino ng cardinal na nagsimulang manilbihan sa Caritas Internationalis noong 2015.

“Mukhang naparami pa ang trabaho ni Cardinal [Luis Antonio] Tagle; bilang President noon ng Caritas International, may full time staff siya sa Vatican. Ito ay mula pa noong Arzobispo siya ng Manila hanggang ginawang head ng isa sa pinakamalaking department ng Vatican.” ani Fr. Gaston.

Ipinaliwanag ni PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston na mas palalawakin ng cardinal ang paglilingkod sa social arm ng simbahang katolika sapagkat hindi na ito nakatuon sa central office sa Vatican.

Sa decree ni Pope Francis bukod sa pagtulong kay Dr. Pier Franceso Pinello na itinalagang administrator ng Caritas Internationalis inatasan ng santo papa si Cardinal Tagle na makipag-ugnayan sa bawat social arm ng mga diyosesis sa buong mundo.

November 22 nang magtalaga ng temporary administrator si Pope Francis sa organisasyon bilang paghahanda na rin sa nakatakdang eleksyon sa susunod na taon kasabay ng General Assembly ng Caritas Internationalis.

Una nang nilinaw ng Dicastery for Promoting Integral Human Development na walang kinalaman sa korapsyon at pang-abusong sekswal ang hakbang ni Pope Francis ngunit pagsasaayos sa Caritas Internationalis upang mas mapabuti ang pagpapatupad ng mga programa lalo na sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,677 total views

 42,677 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,158 total views

 80,158 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,153 total views

 112,153 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,892 total views

 156,892 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,838 total views

 179,838 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,106 total views

 7,106 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,708 total views

 17,708 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top