Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa CFL conference

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,489 total reads

Ibabahagi sa gaganaping 6th Family and Life Conference ng Archdiocese of Manila ang mga paksang tinalakay sa 10th World Meeting of Families noong Hunyo.

Ayon kay Fr. Joel Jason, commissioner ng RCAM-Commission on Family and Life (CFL), ang gaganaping CFL Conference ay magandang pagkakataon upang maibahagi sa mananampalataya ang mga aral at pagsubok na kinakaharap ng bawat pamilya sa lipunan.

Sinabi ng pari na bilang pangunahing bahagi ng lipunan, ang pagkakaroon ng maayos na pamilya ay mahalaga upang maitaguyod ang maunlad at matiwasay na pakikipag-ugnayan sa pamayanan at simbahan.

“Kung inyo pong maaalala noong nakaraang June 22-26 2022 ay nagkaroon po ng 10th World Meeting of Families na ginawa po sa Rome, Italy. Kami po ay umattend doon at ito pong conference natin tomorrow will be a celebration. A re-echoing and representation of the learnings and the challenges na tinanggap natin sa 10th World Meeting of Families.” pahayag ni Fr. Jason sa panayam ng Radio Veritas.

Tema ng 6th Family and Life Conference ang “What’s forever for? The Family: Called, Celebrated, Commissioned” na gaganapin bukas, November 26, 2022 mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa Saint Cecilia Theatre, St. Scholastica’s College, Malate, Manila.

Katuwang ng RCAM-CFL sa gaganaping conference ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life National Capital Region-Central Luzon at Couples for Christ.

Bahagi ng programa ang banal na pagdiriwang na pangungunahan ni CBCP-ECFL NCR-Central Luzon Bishop-in-charge Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, at susundan ng welcome remarks mula sa pangulo ng St. Scholastica’s College na si Sr. Christine Pinto, OSB at keynote address mula kay Fr. Jason.

Samantala, kabilang sa mga magbabahagi sa panel discussion si The Feast SM Manila Builder Dr. Ryan Capitulo; National Shrine of St. Michael the Archangel CFL Parish Couple Coordinator Bro. Ignacio at Sis. Marlyn Angeles; at Alliance for the Family Foundation, Inc. vice president for Legislative Affairs Atty. Joel Arzaga.

Magsisilbi namang moderators sa panel discussion ang chairman ng Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association – Commission on Curriculum Instruction and Assessment Fr. Nolan Que, at ang TV Host at anchor ng Barangay Simbayanan program ng Radio Veritas, Ms. Angelique Lazo.

Isasagawa rin ang plenary talk na pangungunahan naman ni Couples for Christ International Council member Bro. Rabboni Francis Arjonillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 80 total reads

 80 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,466 total reads

 37,466 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,737 total reads

 68,737 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,304 total reads

 146,304 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,528 total reads

 240,528 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,698 total reads

 72,698 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top