Safe and healthy environment for children, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,083 total reads

Inilunsad ng BAN Toxics ang kampanya upang isulong ang karapatan ng mga bata para sa pagkakaroon ng ligtas at malusog na kapaligiran.

Ito ay ang Children’s Rights for a Safe and Healthy Environment campaign katuwang ang Dr. Yanga Colleges, Inc. at Diyosesis ng Malolos.

Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral, magulang at mga guro ng DYCI at mga karatig na paaralan, kasama ang Malolos Diocesan Environmental and Ecological Program (DEEP) para sa taunang gawain upang isulong ang ligtas at malusog na kapaligiran kasabay ng pagdiriwang sa National Children’s Month at National Environmental Week.

Ayon kay BAN Toxics executive director Reynaldo San Juan, Jr., suportado ng grupo ang pandaigdigang pagkilos para sa karapatan ng mga bata at kamalayang pangkalikasan sa bawat paaralan, tahanan, at pamayanan.

“We need to promote and nurture a safe and healthy environment for every child because it is a basic human right,” pahayag ni San Juan.

Sinabi pa ni San Juan na ang bawat bata ay may karapatan para sa pagkakaroon ng maayos at ligtas na kalusugan.

Panawagan naman ng BAN Toxics sa pamahalaan ang pagtuunan ang pagkakaroon ng mahusay na health care system, malinis na tubig at kapaligiran, masustansiyang pagkain, at wastong edukasyon hinggil sa kalusugan para sa kapakanan ng mga bata.

“Providing them with a safe and healthy environment for their future is their right and our shared responsibility,” saad ni San Juan.

Batay sa Children’s Climate Risk Index Report ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong August 2021, naitala ang Pilipinas bilang pang-31 sa mga bansang lantad ang mga bata sa mga epekto ng climate change.

Halos isang bilyong bata sa buong mundo ang nakatira sa mga extremely high-risk na mga bansa, kung saan isa sa bawat tatlong bata ang lantad sa banta ng pagbaha, bagyo, mga sakit, polusyon dulot ng lead, matinding tag-init, kawalan ng tubig, at polusyon sa hangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,858 total reads

 57,858 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,354 total reads

 144,354 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,391 total reads

 187,391 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,150 total reads

 237,150 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,589 total reads

 395,589 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,085 total reads

 192,085 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top