Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagpatuloy ang pagsisikap para sa Filipinong mag-aaral, mensahe ng obispo sa mga guro

SHARE THE TRUTH

 446 total views

Hinangaan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na patuloy na nagsususmikap sa kabila ng krisis na dulot ng pandemic Novel Coronavirus Disease sa bansa.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na siya ring chairman ng CBCP- Episcopal Commission on the Laity, nakahahanga ang pagsisikap ng mga guro na maipagpatuloy ang kanilang tungkulin bilang tagapagturo sa kabataan sa kabila ng mahirap na sitwasyon na dulot ng pandemya.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paggunita ng National Teachers’ Month mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre.

“Sana po hindi mawala itong ganun hangarin na mag-educate sa mga kabataan natin kahit na panahon ng pandemya,” ang bahagi ng pahayag ni Broderick Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa naman si Bishop Pabillo na patuloy na maging matatag at matiyaga ang mga guro sa pagbabagong hatid ng pandemya maging sa larangan ng edukasyon.

“Talagang yung mga guro sa ngayong panahon ay kailangan mag-adjust marami ay nawalan ng trabaho at marami po ay nahihirapan sa mga online na mga teaching na ito kaya ang aking pagbati sa mga guro, sana maging matyaga sila at maging handa sila sa mga pagbabago na tinatawag ng ating panahon ngayon,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ng Obispo, nawa ay hindi mawala ang pagsisikap ng mga guro na maibahagi ang kanilang kaalaman sa kabataan sa kabila ng mga pagbabagong ipinatutupad upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng lahat mula sa nakahahawang sakit.

Tema ng National Teachers’ Month ngayong taon ang “Gurong Filipino para sa Batang Filipino”.

Una ng ipinagpaliban ng Department of Education ang pagbubukas ng School Year 2020 – 2021 sa ika-5 ng Oktubre upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapaghanda sa bagong paraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng blended learning- ang online at modular scheme lalu’t hindi pa pinahihintulutan ang face-to-face classes.

Batay sa tala ng DepEd, may aabot sa 263,000 ang bilang ng mga private teachers sa elementarya at sekondarya habang may 771 guro naman sa private tertiary schools ang pinangangambahang maapektuhan ang kabuhayan.

Ito ay dahil na rin sa dami ng mga hindi nag-enroll sa pribadong paaralan at paglipat sa mga pampublikong institusyon ng may 2-milyong mag-aaral.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,101 total views

 73,101 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,096 total views

 105,096 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,888 total views

 149,888 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,838 total views

 172,838 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,236 total views

 188,236 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 371 total views

 371 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,446 total views

 11,446 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 372 total views

 372 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,431 total views

 60,431 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,021 total views

 38,021 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,960 total views

 44,960 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,415 total views

 54,415 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top