VeritasPH

The Word, The Truth

Ipagtanggol ang ating mga pinahahalagahan

SHARE THE TRUTH

 152 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo, inulan ng batikos ang pagdiriwang ni Pangulong Duterte ng kanyang kaarawan. May dalawang isyung mainit na pinag-usapan matapos lumabas ang mga larawan at video mula sa pagdiriwang.

Una, marami ang nadismaya sa sinasabing “publicity stunt” ng pangulo at kanyang kanang-kamay na si Senador Bong Go. Nag-post ang senador sa kanyang social media ng litrato ng pangulong umiihip ng kandilang nakatusok sa isang tasa ng kanin na para bang cake. Pagpapakita raw ito ng simpleng pagdiriwang at pagiging payak na tao ng pangulo. Ngunit makalipas lamang ang ilang oras, isang litrato ang biglang lumabas sa social media na may mas malayong kuha mula sa unang litratong inilabas ng senador. Sa ikalawang litrato, kita ang buong mesang may lechon pang handa ang pangulo.

Agad itong binatikos ng mga netizens. Pakitang-tao lang daw ang unang litrato. Para naman kay Bayan Muna Representative Gaite, ang pagpapanggap na mahirap para sa photo op ay isang pangungutya sa mga taong tunay na walang maihanda sa kanilang kaarawan. Depensa naman ni Senador Go, ayaw daw bang pakainin ng mga bumatikos ang pangulo ng pagkaing kinakain naman ng ordinaryong Pilipino kahit saan? Sa gitna ng pandemya kung saan libu-libong Pilipino ang nagugutom, paano kaya nasabi ng senador na karaniwang kinakain ng mga ordinaryong Pilipino ang lechon?



Ang ikalawang isyu naman ay mula sa isang video na nag-viral kung saan akmang hahawakan ng pangulo ang maselang bahagi ng kanyang kasambahay sa nasabing pagdiriwang. Bagamat hindi ininda ng kasambahay ang insidente, malinaw na paglabag ito sa Republic Act No. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995 na ipinagbabawal ang anumang porma ng pang-aabuso sa trabaho o paaralan. Sa kabila nito, ipinagtanggol ni Spokesperson Harry Roque ang pangulo. Aniya, biruan lamang daw iyon at walang halong malisya. Patuloy na iginigiit ng mga grupong nagsusulong sa karapatang pantao na kailanman ay maling gawing biro ang pambabastos sa kababaihan.

Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang importansya ng pagkilala ng mga lider sa kanilang tungkuling igalang at isulong ang ating mga pinahahalagahan o values. Ang mga values na ito ay batay sa katotohanang ang bawat tao ay may dignidad. Bilang mga namumuno, tungkulin nilang protektahan at itaguyod ang mga values na ito. Hindi libre o exempted ang mga lider sa pagsunod sa mga moral na pamantayang kinikilala natin bilang lipunan; sila pa nga dapat ang nagsisilbing ehemplo sa pagsasabuhay ng mga ito.

Isa ang pagkiling sa mahihirap—at hindi ito ang paggamit sa kanila bilang kasangkapan sa mga publicity stunts—sa mga values na inaasahan natin mula sa mga lider ng ating bayan. Ang pagkukunwaring mahirap upang makaantig lamang ng emosyon ay tahasang pangmamaliit sa hirap na dinaranas ng mga taong tunay na hikahos sa buhay. Isa rin ang paggalang sa dignidad ng kababaihan sa mga pangunahing values na kailangan nating isabuhay upang makamit ang isang makataong lipunan. Walang lugar ang pang-aabuso sa sinuman—sila man ay kasambahay–sa minimithi nating lipunan. Kaya lubhang nakadidismaya kapag ginagawang biro ng ating mga lider ang pang-aabuso sa mga babae.



Mga Kapanalig, pakinggan natin ang babala mula sa Galacia 5:19-21: “Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman… Muli ko kayong binabalaan: ang mga gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kahairan ng Diyos.” Suriin natin ang mga pagpapahalaga o values ng ating mga lider. Huwag tayong mangiming punahin ang kanilang mga baluktot na kaisipan at gawain. Sa huli, tungkulin nating lahat ang pagtataguyod at pagtatanggol sa mga pagpapahalagang nais nating umiral sa ating lipunan. Nawa’y lagi nating piliin ang mga values na makatao at maka-Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 622 total views

 622 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,608 total views

 16,608 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,653 total views

 24,653 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,733 total views

 29,733 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,439 total views

 35,439 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 623 total views

 623 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,609 total views

 16,609 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,654 total views

 24,654 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,734 total views

 29,734 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,440 total views

 35,440 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,117 total views

 44,117 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,042 total views

 41,042 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,356 total views

 55,356 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,046 total views

 59,046 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,649 total views

 57,649 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,636 total views

 67,636 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,604 total views

 71,604 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,491 total views

 82,491 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,930 total views

 94,930 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,688 total views

 105,688 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top