Pangulo ng Radio, COVID 19 free na

SHARE THE TRUTH

 321 total views

Lubos ang pasasalamat ng pangulo ng Radio Veritas sa mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang kagalingan matapos itong magpositibo sa nakahahawang coronavirus disease.

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, at Executive Director din ng Caritas Manila, siya ay sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 21 araw na payo ng kanyang doktor matapos itong makaramdam ng mild symptoms ng COVID 19.

Pagbabahagi ng pari na habang siya’y naka-self quarantine, patuloy siyang nagdarasal at nagnilay sa pinagdadaanang malaking hamon sa kanyang misyon sa pagiging lingkod simbahan.

“Maraming salamat sa mga panalangin at suporta ng paggaling ko sa covid infection. Ako ay nag-self quarantine ng 21 days at nagkaroon ng mild covid. Nakapagdasal tayo at nakapagnilay sa Buhay at Misyon,” bahagi ng mensahe ni Fr. Pascual.



Ipinapanalangin din ni Fr. Pascual ang patuloy na patnubay ng Panginoon Muling nabuhay sa mga mananampalataya at kapanalig upang patuloy na makamtan ang kaligtasan laban sa nakamamatay na sakit.

Gayundin ang kahilingang nawa’y makamtan na ng Pilipinas ang lubos na kagalingan at ang lunas para sa pandemya.

“Ipinagdasal din natin ang Radio Veritas Kapanalig at ang bansa sa panahong ito ng pandemya. Pagpalain tayo ng Panginoon Hesukristo na muling nabuhay at iligtas tayo sa pandemyang ito,” ayon kay Fr. Pascual.

Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test noong Marso na nagpositibo si Fr. Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.

Inihayag din ni Fr.Pascual na ang Easter Sunday ay simbolo ng pag-asa at tagumpay para sa mga Filipino na humaharap sa matinding epekto ng pandemya.

Si Fr. Pascual ay naging aktibo sa pamamahagi ng tulong gaya ng mga foodpacks at gift certificates katuwang ang mga pribadong sektor sa pagsisimula pa lamang ng lockdown noong Marso ng nagdaang taon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 65,929 total views

 65,929 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 69,908 total views

 69,908 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 80,800 total views

 80,800 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,242 total views

 93,242 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 104,003 total views

 104,003 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 538 total views

 538 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 1,175 total views

 1,175 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 1,541 total views

 1,541 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 4,032 total views

 4,032 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 4,583 total views

 4,583 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 4,863 total views

 4,863 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 5,140 total views

 5,140 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 13,020 total views

 13,020 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 16,199 total views

 16,199 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 16,235 total views

 16,235 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig at katarungan,panalangin ng Obispo sa bawat kristiyano

 19,546 total views

 19,546 total views Umaasa si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo na ang bawat binyagang kristiyano ay nagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig, at katarungan sa kanyang puso. Ayon kay Archbishop Lazo, ang binhing ito’y kailangang lumago upang patuloy na maisabuhay at maipalaganap sa bawat pamayanan tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan. Ang pagninilay ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

 19,315 total views

 19,315 total views Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan. Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocesan Social Action Centers, magtitipon sa Iloilo

 17,906 total views

 17,906 total views Muling magtitipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 85-diocesan social action centers (DSACs) sa bansa upang talakayin ang iba’t ibang usapin at programa sa mga kinasasakupan. Ito ang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines, na isasagawa mula June 17-21, 2024 sa Jaro, Iloilo City. Ang Jaro Archdiocesan Social Action Center

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Donation drive for Mt.Kanlaon evacuees, iinilunsad ng Caritas Philippines

 19,900 total views

 19,900 total views Umapela ng tulong ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mamamayang apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Carmelo “Tito” Caluag, patuloy na nangangailangan ng tulong ang mga nagsilikas na residente dahil apektado na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Oratio Imperata, inilabas ng Obispo ng Bacolod

 18,661 total views

 18,661 total views Hinimok ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin para sa kaligtasan ng Negros Occidental at Negros Oriental mula sa epekto ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon. Ipinag-utos ni Bishop Buzon ang pag-usal ng Oratio Imperata pagkatapos ng Panalangin ng Pakikinabang sa bawat Banal na Misa sa mga parokya at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top