Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagtanggol ang nag-iisang tahanan

SHARE THE TRUTH

 339 total views

Ito ang panawagan ng mga lider ng Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Season of Creation mula a-1 ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre 2019.

Inaanyayahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang sambayanang Filipino na makiisa at magsama-sama sa “Walk for Creation” sa ika-1 ng Setyembre dakong alas-kuwatro ng umaga sa Quezon Memorial Circle.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga mamamayan na magsama-samang magpasalamat sa Diyos sa regalong kalikasan at santinakpan.

Nanawagan din ang Kardinal sa lahat na matutong dumamay at kumalinga sa kapwa.

“Mga minamahal na kapanalig, mga kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magdiriwang na ng Season of Creation mula September 1 hanggang October 4. Para po pasinayaan ito, tayo po ay magsama-sama sa Walk for Creation, ito po ay sa September 1st alas kuwatro ng umaga, atin pong salubungin ang bukang liwayway. Magtipon-tipon po tayo sa Quezon Memorial Circle, doon po tayo magsimulang magpasalamat sa Diyos sa regalo ng kalikasan at ng santinakpan, gayundin matuto tayo na dumamay at magkalinga sa ating kapwa tao.” panawagan ni Cardinal Tagle

Hinihikayat din ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, bise-Presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang sambayanang Filipino na makiisa at magmalasakit sa kalikasan.

Inihayag ni Bishop David na nag-iisa lang ang ating planeta kaya marapat na ipagtanggol at pagmalasakitan.

“Makiisa po tayo at magmalasakit, tandaan po ninyo, iisa lang ang ating daigdig wala pong reserbang planeta sa ibang lugar kaya ipagtanggol naman po natin ang ating iisang tahanan. Sabi nga po ni Pope Francis the Earth is our Common home kaya pagmalasakitan po natin”.panawagan ni Bishop David.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 8,077 total views

 8,077 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 21,513 total views

 21,513 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 38,358 total views

 38,358 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 49,638 total views

 49,638 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 92,642 total views

 92,642 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top