Pope Pius XII Catholic Center, kanlungan ng kaligtasan at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 524 total views

Pinangunahan ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng banal na misa para sa ika-55 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Pope Pius 12th Catholic Center, ika-29 ng Agosto, 2019.

Ayon kay Cardinal Tagle, isang biyaya din na kasabay ng pagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Bautista na naghanda ng daan para sa Panginoon Hesukristo.

Binigyang diin ng Kardinal sa kanyang pagninilay na nawa tulad ng ginawang pagtuturo ni San Juan Bautista ay maging daan din ang Pope Pius XII Catholic Center ng pagpapanibago ng bawat tao.

Aniya, mangyayari ito sa pamamagitan lamang ng pagtuturo ng mga aral na nagmula kay Hesus, at wala nang iba.

“Kung kailangan ng mundo ng pagpapanibago ng healing, renewal, transformation, ang nasa isip ni Pope Pius XII is it can happen only in Jesus Christ. Ang simbahan maging daan ng pagpapanibago sa pamamagitan ng aral, turo ni Hesus. Wala tayong ibang dala-dala kun’di si Hesus.” Bahagi ng pagninilay ng Cardinal.

Tiwala si Cardinal Tagle na isusulong at itataguyod ng Catholic Center sa pamamagitan ng kanilang iba’t-ibang serbisyo ang pagkakaroon ng katarungan na daan sa pagkamit ng kapayapaan.

Umaasa si Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng mithiin nina Pope Pius X at Pope Pius XII nawa ang Pius Catholic Center ay maging kanlungan kung saan madarama ng mga tao ang kaligtasan at kapayapaan sa piling ni Hesus.

Nanawagan din ang Arsobispo na nawa ang Catholic Center ay maging daan rin ng pagpapalaganap ng misyon ni Hesus at tulad ni San Juan Bautista ay makilala ng ibang tao at ng buong mundo Panginoon.

“Ang Pope Pius XII Center ay parang si San Juan Bautista, tinig para makilala ng ibang tao, ng mundo si Hesus. Manatili itong hindi lamang trabaho kun’di misyon, isang misyon na si Hesus ay makilala at kay Hesus maranasan ng mga pinaglilingkuran natin ang pagpapanibago ng buhay, ang paghihilom ng mga sugat, ang tamang ugnayan patungo sa kapayapaan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Taong 1964 naitatag ang Pope Pius XII Catholic Center sa pangunguna ni Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos, DD.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 18,992 total views

 18,992 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 29,620 total views

 29,620 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 50,643 total views

 50,643 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 69,462 total views

 69,462 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 102,011 total views

 102,011 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 159,245 total views

 159,245 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 103,091 total views

 103,091 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top