Ipakilala si San Lorenzo Ruiz sa pamayanan, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total views

Hinimok ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na ipakilala sa pamayanan at tularan ang mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa kapistahan ng kauna-unahang Pilipinong santo nitong September 28.

Ayon sa arsobispo, tulad ng pagpaparangal ng Pilipinas sa mga indibidwal na tanyag sa iba’t ibang larangan dapat ding ipagmalaki si San Lorenzo Ruiz dahil sa natatanging taglay na katapangang manindigan sa pananampalataya.

“Sana ipakilala natin si San Lorenzo Ruiz bilang isang tunay na Pilipinong pwede nating hangaan at tularan… let us share his story, let us emulate his values,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Ikinagalak ng cardinal ang pangunguna sa banal na misa sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz o Binondo Church sa kapistahan ng santo sapagkat dito rin naglingkod si San Lorenzo noong ika – 16 na siglo.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang paninindigan ng santo para sa pananampalataya sa Diyos bagamat kapalit ang sariling buhay.

Hamon ng arsobispo sa mananampalataya na matutuhang manindigan sa pagiging matuwid, mabuti at matapat sa Diyos at paninindigan sa katotohanan sa banta ng laganap na fake news at misinformation sa lipunan lalo na sa social media.

“Sa tulong at awa ng Diyos at sa panalangin ni San Lorenzo Ruiz ang bawat isa nawa sa atin ay maging tunay na kristiyanong Pilipino na laging kalugod-lugod sa Diyos; ang tunay na krisitiyanong Pilipino ay mabuti ang kalooban at nananatiling mabuti kahit sa harap ng pang-uusig at kasamaan,” ani Cardinal Advincula.

Bukod sa mga deboto ni San Lorenzo Ruiz dumalo rin sa banal na misa ang may 200 katekista ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila bilang pagkilala sa pintakasi ng mga katekista.

Taong 1636 nang akusahan ng mga Español si Loreno Ruiz sa kasong pagpatay dahilan upang sumama sa mga Dominikanong pari na nagtungo ng Japan.

Dinakip si Lorenzo ng mga Hapon kasama ang mga layko dahil sa pagiging Kristiyano at dinala noong September 27, 1637 sa Nagasaki Japan.

Sa nasabing lugar pinahirapan si Lorenzo at mga kasamang martir dahil sa hindi pagtalikod sa pananampalataya hanggang sa pumanaw.

February 18, 1981 nang beatipikahan si San Lorenzo Ruiz ni St. John Paul II nang dumalaw ito sa Pilipinas habang October 18, 1987 nang ganap na itong mapabilang sa hanay na mga banal ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 46,030 total views

 46,030 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 46,030 total views

 46,030 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 46,030 total views

 46,030 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 44,600 total views

 44,600 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 40,731 total views

 40,731 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top