Ipakita ang karangalan bilang Filipino sa kabila ng krisis dulot ng Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total reads

March 13, 2020-11:26AM

Nagpahatid ng kanyang pagbati at pakikiisa ang dating arsobispo ng Maynila na kasalukuyang nasa Roma, Italya para sa lahat ng mga Filipino na nagdurusa dulot na rin ng banta ng Corona Virus Disease o COVID 19.

Sa mensahe ng Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle-Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’, nawa ay manaig sa bawat Filipino ang kabutihan ng loob sa gitna ng na krisis.

“Ipakita ng Filipino na sa krisis lumalabas ang marangal at maganda sa atin,” ang panawagan ni Cardinal Tagle sa inilabas na video ng Pontificio Collegio Filippino.

Lalu’t kasabay ng kinakaharap na hamon ay ang paggunita rin ng Kwaresma- ang paghahanda sa paggunita ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Ayon kay Cardinal Tagle, katulad ng hinihingi ng ating pananampalataya-ang pag-aayuno tulad ng pagwawaksi sa hindi mahahalaga; pagkakawanggawa sa kapwa-hindi panlalamang at ang pananalangin-ang pagtitiwala at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

PILIIN ANG MAHALAGA, HUWAG MAGSAMANTALA

“Piliin kung ano talaga ang mahalaga at mag-ayuno. Bitawan ang hindi talaga mahahalaga. Ikalawa po ay kawanggawa. Alam ko marami talaga ang nagpa-panic at meron din naman na pinagsasamantalahan ang pagkakataon na kumita pa para sa pangangailangan ng iba. Sana po kung mayroon ka magbahagi. Kung may kapwa na wala ng mabili, pagkain, tinapay o anuman na mayroon ka naman…magbigay, at ang ikatlo po ay prayer, kahit ang dunong ng tao kahit na ang naabot ng siyensya meron ka lang limitasyon. Ang panalangin ay pagkilala sa Diyos na umuuwi sa pagpapaubaya sa Kaniya,” ayon pa sa mensahe ni Cardinal Tagle.

Umaasa din ang dating arsobispo ng Maynila na nawa ang krisis na dulot ng COVID 19 ay maipakita ng mga filipino ang kagandahan at pagiging marangal.

TAKOT NA MAG-UDYOK SA PAGKILOS

Nakikiisa rin Cardinal Tagle sa sambayanang Filipino maging sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na patuloy na nangangamba lalu’t idineklara na rin ng World Health Organization (WHO) ang COVID 19 bilang ‘Pandemic’.

“Nakikiisa po kami sa inyong lahat sa pangamba, gayundin sa pagasa sa gitna nitong pinagdadaanan sa buong mundo na pagkalat ng novel corona virus. Pakiusap po sa lahat na bagamat natural lamang na matakot, mangamba hindi po sapat na tugon ang takot lamang.”

Ayon kay Cardinal Tagle nawa ang takot ay mag-udyok sa bawat isa na kumilos at tumugon sa hinihingi ng pagkakataon.

Hinimok pa ng dating arsobispo ng Maynila na sundin ang panuntunan na ipinatutupad ng pamahalaan gayundin ang simbahan para sa kaligtasan ng mas nakakarami.

Kabilang na dito ang malimit na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong at bibig tuwing babahing o uubo at pagsusuot ng facemask kung may karamdaman.

Ang mga hakbang na ito ay upang hindi maging dahilan na makahawa ng kapwa.

“Ito po ay ilagay sa isip at isagawa. Hindi lamang takot kundi pagkilos,” ayon pa sa Cardinal na kasalukuyang nasa Italya kung saan ipinapairal ang lockdown ang buong bansa dahil sa COVID 19.

Sa Pilipinas, ipatutupad ang community quarantine sa buong Metro Manila na magsisimula sa ika-15 ng Marso hanggang sa ika-14 ng Abril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 24,646 total reads

 24,646 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 61,139 total reads

 61,139 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 287,409 total reads

 287,409 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 180,876 total reads

 180,876 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 273,603 total reads

 273,603 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,369 total reads

 5,369 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top