Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Health workers na nangunguna sa paglaban sa COVID-19, ipinagdarasal ng Obispo.

SHARE THE TRUTH

 299 total views

March 13, 2020, 11:27AM

Ipinapanalangin ng Obispo ng Tagbilaran ang mga health workers na nangunguna sa paglaban sa corona virus disease 2019 sa pamamagitan ng pagbibigay atensiyon sa mga nagtataglay ng naturang sakit sa buong mundo.

Dalangin ni Bishop Alberto Uy ang kalakasan ng pangangatawan at kalusugan ng mga manggagamot, nurse at iba pang kawani ng mga ospital, at quarantine areas na tumutugon sa pangangailangan ng mga pasyente at mga may sintomas ng COVID 19.

“Lord we pray for all health care providers. Please keep them safe, healthy, strong and joyful,” pagbabahagi ni Bishop Uy.

Ilang doktor na rin ang naitalang nasawi sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa naturang virus habang daan – daang medical personnel ang sumailalim sa quarantine makaraang makasalamuha ang mga taong nagtataglay ng virus.

Una nang ipinanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa para sa kaligtasan mula sa virus habang patuloy na naghahanap ang mga eksperto ng lunas para sa COVID 19.

Sa Pilipinas tinutugunan din sa iba’t ibang pagamutan ang higit 50 infected kung saan lima na ang nasawi dahil sa komplikasyon habang higit sa pitong daan ang patuloy na inoobserbahan.

Samantala naitala ng World Health Organization na higit sa 130, 000 na ang kaso ng COVID sa isandaang mga bansa halos limang libo dito ang nasawi at halos pitumpong libo naman ang gumaling na mula sa karamdaman.

Nanawagan ang Simbahang Katolika sa bawat mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-iingat at sundin ang panawagan ng mga eksperto upang makaiwas sa naturang sakit.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,217 total views

 5,217 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,804 total views

 21,804 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,173 total views

 23,173 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,843 total views

 30,843 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,347 total views

 36,347 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top