VeritasPH

The Word, The Truth

Ipalaganap ang kaliwanagan at katotohanan

SHARE THE TRUTH

 238 total views

Mga Kapanalig, hindi na lamang Covid-19 ang mabilis na kumakalat ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.

Sa panahon kung saan isang click at ilang scroll lang sa gadget na may internet connection, napabibilis na rin ang pagkalat ng iba’t ibang mga impormasyon. Lumikha ito ng tinatawag ng World Health Organization (o WHO) na ”infodemic”. Tumutukoy ang infodemic sa mabilis na pagdami ng impormasyon sa loob ng maikling panahon dahil sa isang partikular na insidente, katulad ng kasalukuyang pandemya. Ang mga impormasyong ito ay maaaring accurate o tama o kaya naman ay mali o nakalilinlang. Sa isang banda, nakatutulong ang infodemic upang punan ang wala o kulang na impormasyon tungkol sa isang bagay, ngunit sa kabilang banda, nakapipinsala ito lalo’t hindi na nasasala ang kalidad ng mga lumalabas na impormasyon sa publiko.

Pinalalalâ ng infodemic ang pandemya dahil nahihirapan ang mga tao, awtoridad, at health workers na makakuha ng mapagkakatiwalaan at maaasahang impormasyon sa tuwing kailangan nila ito upang gumawa ng mahalagang desisyon. Sa usapin ng Covid-19, nakikita ang social media bilang pangunahing dahilan sa likod ng pagkalat ng maling impormasyon at kaalaman tungkol dito. Naroon kasi ang mga content, posts, at news articles na nakararating sa milyun-milyong tao nang hindi sumasailalim sa maayos na pagsisiyasat. Hindi nasasala kung alin ang tama at maling impormasyon. Ayon sa isang pag-aaral na lumabas sa American Journal of Tropical Medicine and Hygiene, ang mga haka-haka at conspiracy theories na may kinalaman sa Covid-19 ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala ng mga tao sa mga medical professionals. Nakaaapekto naman ito sa paghahanap ng mga tao ng siyentipikong lunas gaya halimbawa ng Covid-19 testing at pagbabakuna. Ipinakita sa pag-aaral na ang mga impormasyong walang siyentipikong basehan ay pumipigil sa mga taong makapagdesisyon nang tama at batay sa siyensiya. Inilalagay ng maling impormasyon sa alanganin ang kalusugan ng publiko,lalo na kung mas nabibigyan ito ng pansin kaysa sa mga scientific data.

Kinilala maging ni Pope Francis ang problemang dulot ng infodemic. Sa isang pahayag noong huling linggo ng Enero, sinabi niyang ang pagkakaroon ng access sa impormasyong tama at nakabatay sa siyentipikong datos ay isang karapatang pantao na dapat tiyaking nakakamtan ng mga taong walang kakayahang malaman ang totoo sa hindi, katulad ng mga nasa laylayan at mga bulnerable. Binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang magtulungan tayong iwasto ang mga maling impormasyon at balita, at magbahagi lamang ng tama at totoo habang inuunawa ang mga nabibiktima ng maling impormasyon dahil maaaring hindi nila alam na may mali sa kanilang nababasa at pinaniniwalaan. Nakasaad sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang impormasyon—lalo na ang nanggagaling sa media—ay dapat naaayon sa common good o kabutihang panlahat dahil ang lipunan ay may karapatan sa impormasyong batay sa katotohanan, katarungan, at pagkakaisa.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang paalala ng Santo Papa: lahat tayo ay may pananagutan para sa mga komunikasyong ginagawa natin, para sa impormasyong ibinabahagi natin, para sa kontrol na maaari nating gawin sa fake news sa pamamagitan ng paglalantad ng mga ito. Lahat tayo ay dapat maging saksi ng katotohanan. Hindi maikakailang sa mga impormasyong nababasa natin nakabatay ang mga desisyon natin sa araw-araw. Ang mga ito ang humuhubog sa ating buhay, kaya dapat lang na gawin natin ang ating responsibilidad na maging mapanuri. Hanapin, igalang, at itaguyod ang tama at totoo. Sa panahon ng pandemya, kaliwanagan, hindi kalituhan, ang kailangan nating lahat upang mapagtagumpayan ang krisis na ito. Sabi nga sa Juan 8:32, “ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Magagawa nating lumaya sa anumang krisis kung iyon lamang totoo at tama ang pinaniniwalaan at ibinabahagi natin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 562 total views

 562 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,548 total views

 16,548 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,593 total views

 24,593 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,673 total views

 29,673 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,379 total views

 35,379 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 563 total views

 563 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,549 total views

 16,549 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,594 total views

 24,594 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,674 total views

 29,674 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,380 total views

 35,380 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,110 total views

 44,110 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,035 total views

 41,035 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,349 total views

 55,349 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,039 total views

 59,039 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,642 total views

 57,642 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,629 total views

 67,629 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,597 total views

 71,597 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,484 total views

 82,484 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,923 total views

 94,923 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,681 total views

 105,681 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top