Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipatupad ang single-use plastic ban sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

 448 total views

Hinihiling ng Oceana Philippines na ganap nang ipatupad ang single-use plastic ban sa bansa.

Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng Coastal Resources and Ecotourism Research, Development and Extension Center (CRERDEC) ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) na maraming microplastic ang natagpuan sa mga karagatan ng bansa.

Ayon kay Oceana vice president, Atty. Gloria Estenzo Ramos na ang isinagawang pag-aaral ng pamahalaan ay nagpapatunay lamang sa mga babala at panawagang lutasin ang lumalalang polusyon ng plastic sa karagatan na maaari pang magdulot ng mas matinding pinsala sa paglipas ng panahon.

“Ang mga [microplastic] ay nalulunok ng mga hayop sa katubigan na kinakain naman ng mga tao. Hindi maglalaon ay malalagay sa peligro ang buhay at kalusugan nating lahat, maging ang mga pagkain natin at ng ating mga susunod na salinlahi,” pahayag ni Ramos.

Samantala, ikinabahala at ikinalungkot naman ni PANGISDA Pilipinas President Pablo Rosales ang resulta ng nasabing pag-aaral.

Sinabi nito na ang kanilang pinakakaingatang pinagkukunan ng hanapbuhay at pagkain ay basta-basta na lamang masisira ng dahil sa mga basura sa karagatan.

“Nakakatakot na ang pangunahing pinagkukunan namin ng pagkain para sa aming mga pamilya ay maaaring malason ng plastik. Paano na kaya ang kabuhayan namin kung hindi na rin maaaring kainin ang mga hinuhuli naming isda? Nakakalungkot malaman na ang pinoprotektahan at inaalagaan naming mga mangingisda ay unti-unti namang sinisira ng basurang plastik,” ayon kay Rosales.

Saklaw ng nasabing pag-aaral ang Manila Bay, Subic Bay, Lamon Bay, Boracay Island, Taklong Island National Marine Reserve, Davao Gulf, Butuan Bay, Iligan Bay, Apo Reef Natural Park, at ang Tañon Strait Protected Seascape, partikular sa Badian at Moalboal sa Cebu na nakitaan ng pinakamaraming konsentrasyon ng microplastics.

Batay sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, isa sa mga tungkulin ng National Solid Waste Management Commission ang paglalabas ng listahan ng Non-Environmentally Acceptable Products and Packaging kung saan kabilang dito ang single-use plastics.

Sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, sinabi nitong mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,184 total views

 8,184 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,667 total views

 19,667 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,356 total views

 35,356 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,138 total views

 36,138 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 45,891 total views

 45,891 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top