123,124 total views

Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha. 

Katulad ng ibang tutol sa people’s initiative, naalarma ang mga pastol ng ating Simbahan sa pangangalap ng pirma. “It seems that this People’s Initiative was initiated by a few public servants and not truly from the initiative of ordinary citizens,” saad sa liham. Kung ito nga ang kaso, dagdag ng mga obispo, may halong deception o panlilinlang ang nasabing proseso. Binabalewala rin nito ang ating tunay at malayang pakikilahok sa demokratikong proseso ng ating bayan. “Is that good?” tanong ng CBCP. Mabuti ba iyon?

Kaya naman, ipinagdarasal ng CBCP na huwag tayong pumirma sa ipinakakalat na petisyon nang walang maingat na pagninilay, pag-uusap, at, higit sa lahat, pananalangin. Hindi raw kasi ito simpleng pagpirma. Sa paglagda sa petisyon, binibigyan natin ang ating mga mambabatas ng kapangyarihang baguhin ang Konstitusyon. Bagamat sinasabing limitado sa economic provisions ang Cha-cha, hindi iniaalis, kahit ng mga senador, ang posibilidad na baguhin din ang iba pang nilalaman ng pinakamataas na batas ng ating bayan. Delikado ito, hindi po ba?

Inulit din ng CBCP ang argumento ng mga eksperto: hindi ang Konstitusyon ang dahilan ng sinasabing mabagal na paglago ng ating ekonomiya. Hindi episyenteng imprastraktura, katiwalian, at mabagal na mga prosesong may kinalaman sa pagnenegosyo ang ilan sa mga bagay na tumataboy sa mga dayuhang mamumuhunan. Matutugunan ang mga problemang ito kahit hindi palitan ang Konstitusyon. Kailangan lang gumawa ang gobyerno ng mga angkop na patakaran at programa.

Sa isang panayam kay CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, nagbabala siya sa mga posibleng kalalabasan ng Cha-cha. Nangangamba siyang bumalik tayo sa tinatawag na authoritarianism o isang pamahalaang idinidikta ng iisang tao o grupo ang mga batas na iiral sa ating bansa. Ang kasalukuyan nating Konstitusyon, aniya, ay “talagang bunga ng dugo, pawis, at luha ng sambayanang Pilipino.” Huwag natin itong kalimutan, mga Kapanalig.

Ang panawagan ng ating mga obispo ay pag-udyok sa ating pagkakaisa o solidarity, isa sa mahahalagang prinsipyo ng panlipunang turo ng ating Santa Iglesia. Makapangyarihan ang solidarity upang magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan. Ito ang nangyari ngayong buwan mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas. Nagkapit-bisig ang taumbayan laban sa isang rehimeng ganid sa kapangyarihan, umabuso sa mga karapatang pantao, at sumupil sa kalayaan. Kung dalisay ang dahilan ng ating pagkakaisa—gaya ng pagtatatag ng isang lipunang makatao, makatarungan, at mapagmahal—kaya nating labanan ang anumang puwersang nais gamitin ang kapangyarihan para sa pansariling kapakanan. Gusto nating isiping ganito nga katindi ang ating solidarity noong nilabanan natin ang diktadura, at isa sa mga naging bunga nito ay ang Saligang Batas ng 1987.

Sa katesismo ng ating Simbahan, sinasabing ang solidarity ay mahalaga sa paghahanap ng solusyon sa mga problemang panlipunan at pang-ekonomiya. Sa usaping Cha-cha, maipakikita natin ang ating pagkakaisa kung hindi tayo magpapalinlang sa mga may maiitim na balak, hindi lamang sa Konstitusyon kundi sa ating bayan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa 1 Corinto 12:12-27, “nang isaayos ng Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal, upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa’t isa.” Tayo, katulad ng mga bahagi ng katawan, ay mga bahagi ng iisang bayan. Magkakaiba man tayo, kumilos sana tayo nang may pagmamalasakit sa iba. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagtutol sa Cha-cha na may panlilinlang.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,595 total views

 75,595 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,241 total views

 87,241 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,488 total views

 96,488 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,285 total views

 102,285 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,673 total views

 114,673 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,596 total views

 75,596 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 87,242 total views

 87,242 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,489 total views

 96,489 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,286 total views

 102,286 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,674 total views

 114,674 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,764 total views

 64,764 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,975 total views

 99,975 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,810 total views

 145,810 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,828 total views

 146,828 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,594 total views

 120,594 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,653 total views

 117,653 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,695 total views

 118,695 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,324 total views

 137,324 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,777 total views

 147,777 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Skills Upgrading

 166,716 total views

 166,716 total views Kapanalig, panahon na ng upgrade para sa ating mga kakayahan o skills. Ang dami ng pagbabago sa job market hindi lamang sa ating bansa, kundi sa buong mundo. Maraming mga trabaho ngayon ay bago na, at nangangailangan din ng bagong kakayahan. Marami ng pag-aaral ang nagsasabi na iba na ang job landscape sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top