Mamamayan, hinikayat ng Papal Nuncio na makiisa sa Walk for Life 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,344 total views

Hinikayat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas ang mamamayan na makiisa sa taunang Walk for Life sa inisyatibo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippiens Archbishop Charles Brown makahulugan ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang panahon na lantad sa panganib at iba’t ibang uri ng banta ang buhay ng tao.

“I want to encourage all of you to participate in the Walk for Life. This is an incredibly important event every year to demonstrate our support and our desire to protect life at all stages, from conception until natural death. This is such an important issue in our world today, in which human life is threatened in many ways,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

Itinakda ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang Walk for Life 2024 sa February 17 kung saan tema ngayong taon ang ‘Together, We Walk for Life’.

Magsisimula ang gawain sa ikaapat ng madaling araw sa Welcome Rotonda at sama-samang maglalakad ang tinatayang 5, 000 delegado mula sa iba’t ibang diyosesis at organisasyon patungong University of Santo Tomas Grandstand kung saan isasagawa ang maikling programa.

Tampok sa pagtitipon ang panayam ni Prolife Philippines President Bro. Bernard Canaberal habang pangungunahan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa alas 6:45 ng umaga.

Inaasahan din ang pakikibahagi nina Dipolog Bishop Severo Caermare ang chairman ng Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines gayundin sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Unang isinagawa ang Walk for Life noong 2017 na layong isulong ang paninindigan ng simbahan sa kasagraduhan at dignidad ng buhay ng mamamayan lalo na ang mga isinusulong na panukalang batas na lubhang mapanganib at banta sa buhay ng mamamayan tulad ng ‘death penalty, abortion, divorce, euthanasia, at same-sex marriage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,298 total views

 18,298 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,312 total views

 68,312 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,181 total views

 64,181 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,189 total views

 100,189 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,916 total views

 107,916 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top