Isaalang-alang ang Kaligtasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total reads

Mahalaga ang pagsunod at pakikipagtulungan ng mga residente sa mga otoridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ompong na inaasahang lalakas pa bilang isang Super Typhoon.

Umaapela si Diocese of San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa lahat na sumunod sa mga Opisyal ng Pamahalaan lalo na ang mga naninirahan sa tabing dagat, mga landslide prone area at ilog sa kanilang kaligtasan.

Iginiit ng Obispo na walang maidudulot na mabuti ang pagmamatigas sa halip ay maaring pang magdulot ng kapahamakan hindi lamang sa sarili kundi sa buong pamilya.

“Pinapaalala po namin dun sa lalong lalo na po sa mga nasa tabing dagat kung pwede po ay sumunod tayo sa ating mga Otoridad at huwag pong matigas ang ulo po natin. Hinihiling ko po sana yung Cooperation sa mga oras pong ganito ay mahalaga po para po sa kaligtasan din ng lahat…” panawagan ni Bishop Mallari sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag din ng Obispo ang patuloy na pagsasagawa ng monitoring at paghahanda ng inisyal na relief items ng Social Action Center ng Diyosesis upang agad na makapagpaabot ng tulong sa mga maaring maapektuhang residente.

Bukod dito, tiniyak rin ni Bishop Mallari na bukas ang Simbahan upang tumulong sa mga residenteng lubos na maapektuhan ng bagyo.

Batay sa tala, may 864,000 ang bilang ng populasyon sa Diocese of San Jose, Nueva Ecija na binubuo ng 3 bikaryato na mayroong 19 na mga Parokya.

Nagbahagi rin ng panalangin ang Obispo, upang ipag-adya ng Panginoon ang bansa mula sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

PRAYER
“Ama naming mahabagin, Sama-sama po kaming sumasamo sa inyong pagmamahal ngayon pong hinihintay po namin ang isang ayon sa balita isang malakas na bagyo na maaring makaapekto sa aming mga kababayan lalo na po dito sa Gitnang Luzon at dun sa mga dadaanan po ng bagyo.

Hinihiling po namin na sana po kung kagustuhan po ninyo at gugustuhin ninyo na mapaalis po o maiwasan yung mga kababayan namin lalong lalo na po yung mga malapit na pong anihin na mga palayan, mga pananim at para po sa kabuhayan ng aming mga mamamayan.

Tulungan niyo po kami pero yung minimithi po namin ay sa lahat ng oras ay papag-alabin mo po ang aming pananampalataya para sa lahat ng oras ay mabuo ang aming loob at ang aming pananampalataya na patuloy kang gagabay sa amin sa lahat ng oras.
Ito po ay hinihiling namin Panginoon, sa ngalan din ni Hesus na aming Panginoon. Amen.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,312 total reads

 2,312 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,067 total reads

 25,067 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,628 total reads

 65,628 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,334 total reads

 92,334 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,599 total reads

 140,599 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,571 total reads

 161,571 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,314 total reads

 2,314 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,551 total reads

 8,551 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top