CBCP, Ipinagdarasal ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng bagyong Ompong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Nawa ay maging ligtas ang lahat at patuloy na bigyang kalakasan ang mga naghahatid ng tulong at naglilikas ng mga residenteng apektado ng malakas na bagyong Ompong.

Ito ang panalangin ni Davao Archbishop Romulo Valles-Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa patuloy na pananalasa ng bagyo sa hilagang Luzon partikular na sa Cagayan at Isabela.

“And may the Lord keep the hearts and bodies of those of us who are engaged in the difficult task of preparing and delivering relief goods and assistance, those doing medical help, those who join in Rescue Operations, strong and optimistic,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Inaasahan ng Arsobispo na ang pagmamalakasakit sa kapwa ay magsilbing lakas ng bawat isa laban sa hagupit ng bagyo.

“May their presence among those who are suffering because of this calamity bring hope and strength,” ayon kay Archbishop Valles.

Sa kasalukuyang nakataas na ang signal no 4 sa: Ilocos Norte, Cagayan, Northern Isabela; Apayao; Abra; Kalinga at ang Babuyan Islands.

Nakataas din ang babala ng bagyo sa nalalabing bahagi ng Luzon habang nakakaapekto naman ang pinaigting na habagat ang Visayas at Mindanao.

Una na ring tiniyak ng Caritas Manila ang paghahatid ng tulong sa higit na apektadong diyosesis.

Kabilang na dito ang Prelatura ng Batanes; Arkidiyosesis ng Tuguegarao, maging sa diyosesis ng Laoag, Tabuk at Ilagan upang kagya’t na makapaghatid ng tulong sa mga residente dahil sa bagyong Ompong.

Read: Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong
Read: Mga parokya sa Luzon, gagamitin ding evacuation centers

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, nakahanda na ang isang milyong piso bilang inisyal na tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 34,119 total reads

 34,119 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 117,947 total reads

 117,947 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 212,278 total reads

 212,278 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 273,964 total reads

 273,964 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 318,084 total reads

 318,084 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top