Administrasyong Duterte, Hinimok na bigyang prayoridad ang kahirapan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total views

Umapela ang CBCP NASSA / Caritas Philippines sa pamahalaan na tutukan ang iba’t-ibang suliraning panlipunan at pangkapaligiran, sa halip na ubusin ang oras nito sa mga kritko ng kasalukuyang administrasyong Duterte.

Ayon kay Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng Komisyon, mas nararapat na pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang tumataas na inflation rate, patuloy na pagdami ng mahihirap na Pilipino at ang nararanasan ngayong matinding bagyo.

Iginiit ng pari na mas kinakailangan itong tugunan ng administrasyon at hindi ang pag-aaksaya nito ng panahon sa pagpapabagsak sa kanyang mga kritiko at paggamit pa sa national TV para lamang pag-usapan ang mga kumokontra sa Pangulo, tulad ni Senador Antinio Trillanes.

“Mas higit na pagtuunan ng pansin yung mga mahahalagang mga bagay. Yung kanilang kritiko o yung ginagawa kay Trillanes at nakahanda pang maglaan ang Pangulo ng mahabang panahon doon tulad ng ginawa sa National TV para lang pag-usapan yung issue na kung tutuusin ay hindi naman ganun kahalaga sa bayan. So mas pagtuunan ng pansin yung lumalalang inflation yung presyo ng bigas lalo’t higit yung mga disaster [sa bansa]” pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Father Gariguez na kaisa ng pamahalaan ang simbahan sa usapin ng pagsusulong ng kabutihan ng mamamayan.

Naniniwala ang pari na higit na naaapektuhan sa kasalukuyang kalamidad ang mga mahihirap na dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan.

“Sa Gobyerno tayo nama’y kaisa nila lalo’t higit sa pagsusulong sa kapakanan ng mga mamamayan lalo’t higit sa mga mahihirap at sabi nga ni Pope Francis, ang higit na naaapektuhan sa ganitong mga kalamidad ay yung mga mahihirap kaya sana yung gobyerno sana ay mas higit na pagtuunan ng pansin yung mga mahahalagang mga bagay.” Dagdag pa ng Pari.

Unang nanawagan ang Simbahang Katolika ng maigting na pananalangin upang ipag-adya ng Panginoon ang bansa mula sa matinding kapahamakang dala ng bagyong Ompong.

Kasabay nito, naghahanda na ang iba’t-ibang organisasyon ng simbahan kabilang na ang Caritas Philippines at Caritas Manila upang magpaabot ng tulong sa mga masasalanta ng bagyo.

Read: https://www.veritas846.ph/caritas-manila-nagpadala-ng-1-milyong-pisong-ayuda-sa-mga-diyosesis-na-tatamaan-ng-bagyong-ompong/
(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 24,749 total views

 24,749 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 52,754 total views

 52,754 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 70,554 total views

 70,554 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 69,537 total views

 69,537 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 180,202 total views

 180,202 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 297,788 total views

 297,788 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top