Pagbaba ng unemployment, magandang indikasyon sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,034 total reads

Kinilala ng pari ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Atillano Fajardo, CM, Head ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry at Huwag Kang Magnakaw Movement, magandang indikasyon ito para sa mamamayan lalo na ang mahihirap na pamilya.

“Yung pagdami ng mga nabigyan ng trabaho of course indication ito na may perang pumapasok lalong lalo na doon sa mga pamilya kasi directly naapektuhan nito hindi lang yung nagtatrabaho kundi yung pamilya nila.” pahayag ni Fr. Fajardo sa Radio Veritas.

Bagamat kinilala ni Father Fajardo ang nai-ambag ng programang pang-imprastraktura ng pamahalaan sa pagkakaroon ng trabaho ng mga Filipino ay dapat ding tingnan ang epekto sa mamamayan ng ipinatupad na reporma sa pagbubuwis na pinagkukuhanan ng pondo sa Build Build Build program.

Base sa resulta ng Social Weather Station survey, bumaba sa higit 19 na porsiyento ang unemployment rate sa Pilipinas o katumbas sa 8.6 na milyong Filipino na lamang ang walang trabaho sa ikalawang bahagi ng 2018.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang mahigit 10-milyong unemployed noong first quarter.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, tumaas sa 94.6 porsiyento ang bilang mga Filipinong may trabaho at kabilang sa mahigit 40 milyong mamamayan sa Labor Force.

Umaasa ang pari na magpatuloy pang madagdagan ang mga Filipinong magkaroon ng hanapbuhay upang makatugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

SECURITY OF TENURE

Pinaalalahanan naman ni Father Fajardo si pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pangakong wakasan ang “Endo” para sa mga manggagawang Filipino at mabigyan ng security of tenure ang bawat manggagawa.

Naniniwala ang pari na isang uri ng pananamantala ang kontraktuwalisasyon at ninanakaw dito ang dignidad ng tao at ang kinabukasan ng mga manggagawa.

Ipinaliwanag ng Pari na ang kakulangan at kawalang katiyakan sa benepisyo ng manggagawa matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho ang isa sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng sektor ng manggagawa sa Pilipinas.

Dahil dito, ipinapanalangin ng Simbahan na matugunan ng pamahalaan ang kakulangan ng atensyon para sa mga manggagawa na malaki ang naiambag sa pag-unlad ng bansa.

TRABAHO Bill o TRAIN Law 2

Inihayag din ni Fr. Fajardo na marami ang nangangamba sa isinusulong na package 2 ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law dahil magdudulot ito ng paghihirap sa mamamayan.

Bukod sa mga dayuhang mamumuhunan sa bansa ay nangangamba rin ang mga mambabatas at ang mga nagsusulong noon ng TRAIN Law 1 dahil nakikita nito ang magiging epekto sa bansa.

Hinimok naman ng Pari ang Pangulong Duterte na bukod sa iligal na droga ay pagtuunan din ng pansin ang pagpapalago sa sektor ng agrikultura at ihinto ang malawakang smuggling sa bansa.

Sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika, pinaalalahanan ang bawat manggagawa na sa bawat trabaho ay tingnan ang gawa ng pag-ibig dahil ito ay nagpapahayag ng pag-ibig sa Panginoon at katapatan sa mga minamahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 100,721 total reads

 100,721 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 194,747 total reads

 194,747 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 239,017 total reads

 239,017 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 262,124 total reads

 262,124 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 332,691 total reads

 332,691 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top