Cardinal Tagle, nababahala sa kultura ng “individualism”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Pag-aalay ng sarili, pagkakaisa at buong pusong paglilingkod.

Ito ang mga katangiang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na marapat taglayin ng bawat mananampalataya sa kanilang buhay lalo pa ngayong ipinagdiriwang ang kapistahan ng Banal na Krus.

Ayon sa Kardinal, nakababahala ang lumalaganap sa kasalukuyan na kultura ng pagiging makasarili at ang tila pagmamadali ng bawat tao na magkahati-hati sa halip na bumuo ng mga matatag at nagkakaisang komunidad.

Inihayag ni Cardinal Tagle na namamayani sa kasalukuyan ang pansariling interes ng mga makapangyarihan na nagdudulot ng pagkasira sa lipunan, sa mga pamilya at maging sa kapaligiran.

“Sa halip na ialay ang sarili, individualism ang namamayani. Hindi na yung “Ang sarili ko, iaalay ko,” nangyayari ngayon, “Ang sarili ko ang uunahin ko. Iyan ang isang mentalidad sa ating present culture. Unity, naku po, sa ating mundo ngayon parang nagmamadali magkaroon ng pagkakahati-hati sa halip na unity, sa halip na communion, sa halip na solidarity,” bahagi ng pahayag ni Kardinal Tagle.

Ipinagdiriwang ngayong ika-14 ng Septyembre ang kapistahan ng Banal na Krus, kung saan itinatampok at binibigyang pagpupugay ang krus na simbolo ng kaligtasan ng sanlibutan.

Dahil dito ipinaalala din ng Kardinal na lalong mapapupurihan ng tao ang Diyos at ang banal na krus kung maisasabuhay nito ang pag-aalay ng sarili, pagkakaisa at buong pusong paglilingkod sa kapwa.

“Ang banal na krus ay lalong napapapupurihan at siya rin po ay nagbibigay ng luwalhati sa Diyos Ama kung mayroong self-sacrifice, unity and service sa mga kaparian, sa pastoral council at iba pang mga council at ang mga parishioners.” dagdag pa ng Kardinal.

Kaugnay nito hinimok ni Kardinal Tagle hindi lamang ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa kundi lalo’t higit ang mga mananampalataya na ituro sa mga kabataan ang tatlong katangiang ito na kalugod-lugod sa Panginoon.

Naniniwala si Kardinal Tagle na kung maipapasa sa mga kabataan ang pag-aalay ng sarili, pagkakaisa at buong pusong paglilingkod ay makakamit ang tunay na kasiglahan at kapayapaan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 98,768 total reads

 98,768 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 192,795 total reads

 192,795 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 237,065 total reads

 237,065 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 260,172 total reads

 260,172 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 330,802 total reads

 330,802 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,282 total reads

 33,282 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,183 total reads

 26,183 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top