Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total views

Isang milyong pisong ang inisyal na tulong na inihahahanda ng Caritas Manila, ang Social Arm ng Archdiocese of Manila para sa mga diyosesis na masasalanta ng bagyong Ompong.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas, sinabi ni Father Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas na magpapadala na ang Caritas Manila ng tig-200 libong piso sa mga lugar na inaasahang labis na maapektuhan ng bagyo.

“Cash ang ibibigay natin, nagpre-position ng mga at least P200 thousand na minimum ibigay natin sa mga diyosesis dito sa Batanes, Tuguegarao, Ilagan, Laoag, Tabuk, na tatamaan ng pagdaan ng bagyo. Para makahanda na sila ng relief operation, medicine, food para mabilis ang pagtugon ng simbahan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Hangad ng simbahan na makapaghatid ng tulong sa loob ng 24 hanggang 48 oras sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga padadalhan ng tulong ng Caritas Manila ang Prelature of Batanes; Arkidiyosesis ng Tuguegarao, maging sa diyosesis ng Laoag, Tabuk at Ilagan upang kagya’t na makapaghatid ng tulong sa mga residente dahil sa bagyong Ompong.
Kaugnay nito, nagpaabot na rin ng panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa kaligtasan ng buong bansa sa banta ng hagupit ng bagyong Ompong.

Ayon kay Father Pascual, ito ang ipinadalang mensahe ng kaniyang kabunyian na kasalukuyang nasa Poland.

Sa katuruan ng simbahan bawat isa bilang mga kristiyano ay tinatawagan na tingnan hindi bilang suliranin ang paghihirap ng kapwa kundi isang pagkakataon ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.

Ayon pa sa Cardinal, bukod sa paghahanda ay hinihikayat din ang bawat isa sa patuloy na manalangin na maipag-adya ang Pilipinas sa mapaminsalang bagyo.

Naunang nanawagan ang mga Obispo ng panalangin para sa mamamayan na maaapektuhan sa hagupit ng bagyong Ompong.

Read:

Simbahan, Umaapela ng panalangin

Archdiocese of Palo, nanawagan ng panalangin para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo

Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong

Sa tala ng Philippine National Red Cross (PNRC), tinatayang aabot sa pitong milyon katao ang posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong kung saan tatlong milyon sa mga ito ang direktang maapektuhan ng malakas na bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 78,488 total views

 78,488 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 100,552 total views

 100,552 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 116,248 total views

 116,248 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 122,720 total views

 122,720 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 181,190 total views

 181,190 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top