Isabuhay ang mga aral ni San Francisco de Assisi, hamon ng Franciscans sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,064 total reads

Hinamon ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, ang mga mananampalataya na gawing konkretong paraan ng pamumuhay ang mga aral ni San Francisco de Assisi matapos ang pagdiriwang ng ika-800 taon ng Transitus ng tagapagtagtag ng Franciscan Order.

Ayon sa chairperson ng Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines, hindi dapat masukat sa dami ng mga programa, liturhiya, pagpupulong, pilgrimage at iba pang pagdiriwang ang tagumpay ng Eighth Centenary, kundi sa pagbabagong maidudulot nito sa buhay ng mga tao.

“The real success of the Eighth Centenary will not be measured by how many activities we organized or how many people attended. It will be measured by what happens after the celebration,” ayon kay Fr. Redoblado

Binigyang-diin ni Fr. Redoblado na hindi lamang alaala ang iniwan ni San Francisco sa Simbahan kundi isang paraan ng pamumuhay na dapat ipagpatuloy ng mga mananampalataya.

“Francis did not leave us simply a memory to preserve. He left us a way of life to continue,” aniya.

Hinimok niya ang mga mananampalataya na isabuhay ang tatlong mahalagang pananagutan bilang bunga ng sentenaryo: ang pagsusulong ng kapayapaan, pangangalaga sa sangnilikha, at pakikiisa sa mga mahihirap.

Partikular na nanawagan si Fr. Redoblado na maging tagapagsulong ng kapayapaan ang mga Kristiyano sa lipunang nababalot ng karahasan at iba’t ibang uri ng sigalot at pagkakahati-hati.

“Let us sow peace in our families, communities, Church and society. Let us become an unarmed and disarming presence in a world wounded by conflict and division,” giit ni Fr. Redoblado.

Hinimok din ng pari ang mga mananampalataya na gawing kongkreto ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng panawagan na manatiling malapit sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

Binigyang-diin ni Fr. Redoblado na kung ang ika-800 anibersaryo ay magbubunga ng higit na kapayapaan, malasakit sa mahihirap at pangangalaga sa sangnilikha, maituturing na naging makabuluhan ang Project 800.

“If this Eighth Centenary makes us more peaceful, more compassionate toward the poor, and more committed to caring for creation, then we can truly say that Project 800 has borne fruit,” pahayag ng pari

Iginiit ni Fr. Redoblado na nananatiling hamon sa kasalukuyang henerasyon ang panawagan ni San Francisco na mamuhay ayon sa Ebanghelyo.

Dumalo sa National Transitus Celebration na ginanap sa University of Santo Tomas ang may 3,000 mananampalataya mula sa iba’t ibang Franciscan congregations at lay secular order.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 89,083 total reads

 89,083 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 120,813 total reads

 120,813 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 222,639 total reads

 222,639 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 263,198 total reads

 263,198 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 279,913 total reads

 279,913 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top