Isabuhay ang simbahang sinodal, hamon ni Cardinal Advincula sa RCAM Curia

SHARE THE TRUTH

 2,415 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga kawani ng Roman Catholic Archdiocese of Manila o RCAM Curia na patuloy makilakbay sa kristiyanong pamayanan bilang pakikiisa sa misyon.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ginanap na Jubilee of the RCAM Curia nitong June 26 sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Ayon sa cardinal bilang kawani ng simbahan ay mahalagang maglingkod sa kapwa lalo na sa nag-iisa at may pinagdadaanan. Binigyang din ni Cardinal Advincula na bukod sa araw-araw na pagpapagal at pagganap ng mahusay sa mga gawain ay dapat ding nakahanda ang mga kawani sa pagbibigay ng sarili para sa simbahan.

“Hinikayat ang lahat na magbahagi ng sarili sa buhay ng simbahan anuman ang taglay nating kakayahan o katangian, maging daan nawa tayo upang mas lumaganap pa ang pakikibahagi ng lahat sa ating buhay bilang simbahan,” ayon kay Cardinal Advincula. Hamon ng cardinal sa RCAM Curia na isabuhay ang simbahang sinodal na sama-samang naglalakbay sa pamamagitan ng pagsabuhay sa temang ‘communion, participation and mission’.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang mga programa ng curia tulad ng taunang pagpapabinyag ng mga bata ng Baseco Tondo at iba pang outreach program lalo na sa mga komunidad na labis nangangailangan ng pagkalinga.
Iginiit ng arsobispo na hindi eksklusibong grupo ang mga kawani ng simbahan sa halip ay kabahagi sa misyon ni Hesus upang maabot ang bawat nasasakupan at mapakinggan ang kanilang pangangailangan.

“Maging instrumento nawa tayo upang mapakinggan at mauwanaan ang mga karanasan at saloobin ng ating kapwa, sikapin nating maipakilala si Hesus sa kanila at maging daan upang mas mapamahal sila kay Hesus,” giit ni Cardinal Advincula.

Bahagi ng Jubilee of the RCAM Curia ang ‘Walk of Hope’ mula sa Arzobispado patungong Manila Cathedral kung saan nagbigay ng panayam si Msgr. Reginald Malicdem ang kasalukuyang Vicar General at Moderator Curiae ng arkidiyosesis.

Nagkaroon din ng concurrent sessions na nakatuon sa mga paksang ‘Workplace Dynamics, Mental Health, at Financial Literacy’ para sa lahat ng kawani. Bilang pasasalamat at pagkilala ni Cardinal Advincula sa mga kawani na kanyang katuwang sa paglilingkod sa arkidiyosesis ay ang pagdadagdag ng sahod at ilang benepisyo nito makalipas ang isinagawang pag-aaral at restructuring ng RCAM Curia.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battle of uncertainty

 10,988 total views

 10,988 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 24,350 total views

 24,350 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 39,170 total views

 39,170 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 56,642 total views

 56,642 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 110,066 total views

 110,066 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 28,888 total views

 28,888 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top