Isang dekadang pagkilala sa family farming

SHARE THE TRUTH

 296 total views

Mga Kapanalig, pinagtibay ng United Nations General Assembly sa pagpupulong nito noong Disyembre 2017 ang pagtatalagâ sa mga taóng 2019 hanggang 2028 bilang “Decade of Family Farming”. Inaasahang sa panahong iyon, makabubuo ang UN ng balangkas o framework na gagabay sa mga pamahalaan ng mga kasaping-bansa na bumuo at magpatupad ng angkop na patakaran para sa mga pamilyang nagsasaka. Isa ito sa mga kongkretong hakbang upang makamit ng mga kasaping-bansa ng UN ang pangalawang Sustainable Development Goal o SDG na wakasan ang kagutuman at kahirapan pagsapit ng taóng 2030. Pagpapalawig din ito sa sinimulan nang adbokasiya ng Food and Agricultural Organization (o FAO) na International Year for Family Farming noong 2014, kung saan unang binigyang-pansin ang ambag ng family farming sa sama-samang pagtugon sa kahirapan, pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain, at pangmatagalang kabuhayan para sa mga pamilya, habang pinangangalagaan ang kapaligiran.

Maaaring bago sa ating pagdinig ang family farming, ngunit sa napakahabang panahon—maaaring mula pa sa panahon ng ating mga ninuno—naging haligi na ng ating paglago, lalo na sa mga kanayunan, ang mga sakahang nililinang ng mga maliliit na magsasaka at kanilang mga pamilya. Ayon sa isang international institute na Technical Centre for Agricultural and Rural Cooperation, mahigit 500 milyong pansakahang pampamilya sa buong mundo ang nag-aambag sa pagkakaroon ng sapat na pagkain, at nagbibigay ng trabaho sa napakarami. Dito sa atin, pinagyayaman ng mga maliliit na magsasaka at kanilang pamilya ang tinatayang 5.7 milyong sakahan. Ngunit habang nakaaambag ang family farming sa suplay ng pagkain at paglikha ng trabaho, humaharap sa maraming hamon ang mga magsasaka at kanilang pamilya. Nariyan ang hindi pagkakaroon ng legal na karapatan sa lupang kanilang sinasaka, ang kakulangan ng access sa mga binhi at pataba, ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka, at kawalan ng koneksyon sa merkado o mga pamilihan upang maipagbili ang kanilang ani at produkto. Banta rin sa kanilang ani ang matitindi at mapaminsalang mga kalamidad gaya ng mga bagyo at baha.

Mahalaga rin ang pagtuon sa family farming dahil sa kabila ng kanilang ambag sa produksyon ng pagkain, ang mga pamilyang nagsasaka ay kabilang sa mga nakararanas ng matinding kahirapan at kakulangan sa pagkain. Ayon sa International Federation of Organic Agriculture Movement, bagamat mula sa sakahan ng mga pamilya ang 70% ng pagkain sa buong mundo, mula rin sa kanila ang kalahati sa mga nagugutom at hiráp sa buhay. Gayunman, wala tayong naririnig na kaugnay na hakbang ng Department of Agriculture o pahayag ng pagsuporta sa “Decade of Family Farming”, ngunit umaasa tayong tututukan din ito ng administrasyong Duterte sa kabila ng pagiging abalá nito sa cha-cha, federalismo, at pagsugpo sa droga.

Magandang alalahanin natin, lalo na ng ating mga pinuno, ang sinabi ni Pope Francis tungkol sa mahalagang papel ng mga magsasaka. Aniya, kung walang pagsasaka, walang sangkatauhan; kung walang maayos na pagkain, walang buhay ang lahat ng tao. Kaya’t mahalaga ang mga patakaran at programang nagpapataas sa kakayanan ng mga magsasaka—kabilang ang mga nagsasagawa ng family farming—upang panatilihing masagana ang kanilang ani, sapat para sa kanilang sariling pangangailangan at para sa pangangailangan ng lahat. Sa paglinang sa kanilang kasayanan at kaalaman, naitataguyod din ang dangal ng mga magsasaka, napatatatag ang katayuan sa buhay ng kanilang pamilya, at nakikilala ang kanilang mahalagang ambag sa ating bayan. At gaya rin ng sinabi pa ni Pope Francis, bilang mga tao at anak ng Diyos, karapat-dapat ang mga magsasakang magkaroon ng disenteng buhay. Kahit bago pa sumapit ang dulo ng Decade of Family Farming, nawa’y nabibigyan ng akmang kabayaran ang panahon, lakas, at pasensyang inilalaan ng mga magsasaka para sa kanilang hindi mapapantayang trabaho.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 73,585 total views

 73,585 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 84,378 total views

 84,378 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 89,784 total views

 89,784 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 126,867 total views

 126,867 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 138,513 total views

 138,513 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 73,586 total views

 73,586 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 84,379 total views

 84,379 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 89,785 total views

 89,785 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 126,868 total views

 126,868 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 138,514 total views

 138,514 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 106,451 total views

 106,451 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 112,244 total views

 112,244 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,626 total views

 124,626 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 72,942 total views

 72,942 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 108,148 total views

 108,148 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 153,981 total views

 153,981 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 154,999 total views

 154,999 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,765 total views

 128,765 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,824 total views

 125,824 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,866 total views

 126,866 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top