Isang natatagong pandemya

SHARE THE TRUTH

 163 total views

Mga Kapanalig, sa mismong araw ng Pasko, ang itinuturing nating pinakamasayang araw para sa ating mga pamilya, pinatay ng isang 29 na taóng gulang na ama sa Taguig ang kanyang dalawang anak na isa at tatlong taong gulang. Sumuko ang suspek sa mga pulis matapos ibigti ang kanyang mga anak at nang mabigo siyang magpakamatay din nang mapatid ang lubid na kanyang ginamit. Kuwento niya sa mga pulis, nagawa niya ang karumal-dumal na krimen dahil sa matinding kalungkutan o depression matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Naging sanhi naman ito ng alitan nila ng kanyang ama at mga kapatid gayundin ng kanyang asawang naiwang bumubuhay sa kanilang pamilya. Ang masaklap pa, nagpakamatay din daw ang kanyang asawa sa bisperas ng Pasko, ngunit tinitingnan din ang anggulong pinatay din siya ng lalaki sa pamamagitan ng pananakal at pinalabas niyang nagbigti ang kanyang misis.

Tunay na nakalulungkot ang balitang ito, ngunit hindi na nakapagtataka dahil na rin sa epekto ng pandemya hindi lamang sa ating lipunan at ekonomiya kundi sa ating mental health. Ayon sa National Center for Mental Health, kung dati ay nasa 80 ang tawag na natatanggap nila sa kanilang hotline mula sa mga nakararanas ng depresyón, lumobo ito sa 400 kada buwan nang isailalim tayo sa lockdown. Sa buong mundo, pinakalantad o high-risk sa depresyón ang mga nasa edad 15 hanggang 29, at mental health-related deaths ang ikawala sa nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga nasa age group na ito. At gaya nga ng sinasalamin ng nakalulungkot na pangyayari sa Taguig, maaaring humantong ang depresyón sa marahas na pagresolba sa mga problemang kanilang kinakaharap. Hindi lamang ang kanilang sarili ang kanilang sinasaktan; maging ang kanilang mga mahal sa buhay ay naaapektuhan.



Hindi nakatutulong na sa ating bansa, hindi pinag-uusapan ang mental health o kalusugan ng ating pag-iisip, dahil na rin sa takot ng mga apektado nito na sila ay husgahan at layuan ng mga tao. Mayroon nga tayong Mental Health Act na nagmamandato sa pamahalaang magbigay ng komprehensibong suicide prevention services kabilang ang crisis intervention, ngunit lubhang kakaunti naman ang mga propersyonal na maaaring magbigay nito sa mga taong dumaranas ng depresyón at nag-iisip na wakasan na ang kanilang buhay. Mayroon lamang tayong 500 psychiatrists, at dalawa hanggang tatlong mental health workers sa bawat 100,000 populasyon, malayung-malayo sa 10 sa bawat 100,000 populasyon na iminumungkahi ng World Health Organization (o WHO). Kaya talagang nakababahala ang dumaraming bilang ng mga kababayan nating nalulugmok sa kalungkutan na nagtutulak sa ibang piliing magpatiwakal. Masasabi ngang isa itong natatagong pandemya.

Itinuturing ng Simbahan ang pagpapakamatay bilang pagtalikod ng tao sa kanyang pananagutan sa buhay na ipinagkaloob sa kanya. Ngunit kinikilala rin nating may mabibigat na dahilang nagtutulak sa mga taong tapusin ang kanilang buhay katulad ng matinding kalungkutan. Masalimuot ang kanilang pinagdaraanan, ngunit bilang mga Kristiyanong naniniwala sa isang buháy na Diyos, pananagutan nating samahan ang mga kapatid nating nabibigatan sa kanilang mga pinagdaraanan—kahit sa pamamagitan ng simpleng pakikinig sa kanila.

Lubha ngang napakalaki ng pagsubok na dala ng nagpapatuloy pa ring pandemya sa kalusugan ng ating pag-iisip, at para bang napakahirap magkaroon ng pag-asang bubuti ang ating kalagayan dahil na rin sa mga naririnig nating hindi kaayaayang mga balita. Napakahirap talagang magpakatatag kung mawalan tayo ng trabaho, kung wala na tayong maipakain sa ating pamilya, at kung parang walang nakauunawa sa ating pinagdaraanan. Ngunit mapalakas nawa ng mga Salita ng Diyos ang ating loob upang magpatuloy sa buhay. Gaya ng winika sa 1 Pedro 5:7, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”

May pag-asa, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 37,651 total views

 37,651 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 49,729 total views

 49,729 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 69,141 total views

 69,141 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 80,261 total views

 80,261 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 84,186 total views

 84,186 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 37,652 total views

 37,652 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 49,730 total views

 49,730 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 69,142 total views

 69,142 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 80,262 total views

 80,262 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 84,187 total views

 84,187 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 67,293 total views

 67,293 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 63,691 total views

 63,691 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 63,300 total views

 63,300 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 86,127 total views

 86,127 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 100,556 total views

 100,556 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 116,428 total views

 116,428 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 136,375 total views

 136,375 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanselado na ang PAREx!

 140,467 total views

 140,467 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalbaryo ng mga maralita

 85,771 total views

 85,771 total views Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw. Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ocean Health

 92,233 total views

 92,233 total views Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”? Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top