Deboto ng Poong Hesus Nazareno, hinimok na gunitain sa bahay ang kapistahan ng Poon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

Sa kauna-unahang pagkakataon nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na kung maari ay sa bawat tahanan gunitain ang kapistahan ng Poon.

Ayon kay Rev. Msgr. Hernando Coronel, rector at parish priest ng basilica, kaisa at napakikinggan ng Panginoon ang dalangin ng mga deboto kahit sa mga tahanan ipagdiriwang ang kapistahan nito.

“Ito lang ang pagkakataon na sinabi ng Kura, na huwag kayong pumunta sa piyesta; kung pwede magdasal nalang kayo sa mga bahay ninyo, stay at home, magdasal kasama ang pamilya sapagkat nakukuha naman natin ang grasya,” pahayag ni Msgr. Coronel sa misang ginanap sa Manila City Hall.

Ipinaliwanag ng pari na ito ay para na rin sa kabutihan at kaligtasang pangkalusugan ng mga deboto mula sa banta ng pagkahawa ng corona virus.

Naunang nakipag-ugnayan ang pamunuan ng basilica sa pamahalaang lokal ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno para sa pagsasaayos at paghahanda sa kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Dalangin ni Msgr. Coronel ang ligtas, payapa at malusog na pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Nazareno lalo’t pangunahing intensyon nito na mawakasan na ang pagkalat ng pandemya sa buong daigdig lalo na sa Pilipinas at tuluyang makahanap ng lunas para dito.

Magugunitang sa taunang pagdiriwang ng Traslacion naitatala ang humigit kumulang dalawampung milyong deboto ang dumadalo sa kabuuang pagdiriwang mula Luneta hanggang makabalik sa dambana ng basilica ang imahe ng Poong Nazareno.

Hiling naman ni Msgr. Coronel sa mga deboto na dadalo sa pagdiriwang sa Quiapo Church na mahigpit sundin ang mga safety health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sa mga debotong hindi talaga mapigilan ang pagpunta sa Quiapo church, sumunod tayo! Magsuot ng facemask, face shield, magdala ng alcohol at mahalaga ang physical distancing,” ani ng pari.

Nagtalaga na rin ang lungsod ng Maynila ng apat na lugar kung saan makadalo ng misa ang mga debotong hindi makapapasok sa mga simbahan ang Villalobos, Carriedo, Hidalgo, at Plaza Miranda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,692 total views

 15,692 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,706 total views

 65,706 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,575 total views

 61,575 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,687 total views

 97,687 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,639 total views

 105,639 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top