Pagdalaw ng replica ng Poong Hesus Nazareno sa Cavite, nagpasigla sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 897 total reads

Dumalaw ang replika ng Poong Hesus Nazareno sa Pandiyosesanong Dambana ng Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga sa Parokya ng San Roque, Cavite City, lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Rev. Fr. Dominador “Domeng” Medina, rektor ng dambana na napakahalaga ng pagdalaw ng Poong Hesus Nazareno sa dambana at lalawigan dahil hindi na kailangan pang pumunta Ang mga tao sa simbahan ng Quiapo upang makipagsiksikan lalo’t mayroong panganib dulot ng coronavirus.

Inihayag ng pari na ang pagdalaw ng imahen ng Nazareno sa dambana ng Porta Vaga ay nagdulot sa mga mananampalataya ng biyaya mula sa Panginoon na maari nilang ibahagi sa kapwa.

Sinabi ni Fr. Medina na nais ding iparating ng pagdalaw na ito na ang pagsunod sa landas at paghihirap ng Panginoon ang daan upang makarating sa langit at matanggap ang lubos na biyaya ng Diyos.

“Napakalaking bagay nito, unang una hindi na sila pupunta ng Quiapo. Ikalawa, natutukan namin yung focus ng parokya kaugnay ng Nazareno. Halimbawa, sa halip na kayo ay naparito para sumahod ng grasya, happy to receive and happy to share, yun ang prinsipyo and then pangatlo, sumunod ka sa akin. Paano ba ang pagsunod sa kanya? Sabi Niya, sumunod kayo sa akin habang pasan ninyo ang inyong krus, ang inyong kapwa… And the way to the Father, the way to heaven is the way of the cross,” ayon kay Fr. Medina sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, dalangin naman ni Rony Herez, pangulo ng mga deboto mula sa lungsod ng Trece Martirez Cavite sa Poong Hesus Nazareno ang kagalingan ng lahat at ang paghupa ng pandemya.

Ikinalungkot ng mga kapwa deboto ni Herez na walang magaganap na traslacion ng imahen ng Poong Nazareno ngayong taon dahil sa pag-iingat laban sa virus.

Ngunit sa kabila ng banta ng COVID-19, sinabi ni Herez na pupunta pa rin ito sa simbahan ng Quiapo bilang panata upang masilayan ang Poong Hesus Nazareno.

Kaalinsabay nito, dumalaw din ang replica ng Poong Hesus Nazareno sa Manila City hall.

Ang pagdalaw ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa lalawigan ng Cavite ay bahagi ng isinasagawa ng Minor Basilica of the Black Nazarene ngayong taon na localized traslacion 2021 sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila at maging sa iba’t-ibang lalawigan upang magsagawa ng nobenaryo at mga misa para sa kapistahan nito.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,150 total reads

 11,150 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,028 total reads

 67,028 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,394 total reads

 152,394 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,130 total reads

 199,130 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,002 total reads

 247,002 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,650 total reads

 347,650 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,327 total reads

 170,327 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top