Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,578 total reads

Ang Mabuting Balita, 25 Pebrero 2024 – Marcos 9: 2-10

“ISANG SAGLIT NA NINGNING”

Noong panahong iyon: Umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama kundi sina Pedro, Santiago at Juan. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus, nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti, anupa’t walang sinumang makapagpapaputi nang gayun. At nakita ng tatlong alagad si Moises at si Elias, na nakikipag-usap kay Jesus.
Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Hindi nalalaman ni Pedro ang kanyang sinasabi sapagkat masyado ang takot niya at ng kanyang mga kasama. At nililiman sila ng isang alapaap at mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!” Pagdaka, tumingin ang mga alagad sa paligid nila at nakitang wala na silang kasama roon kundi si Jesus.

Habang bumababa sila sa bundok ay mahigpit na itinagubilin sa kanila ni Jesus: “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nakita hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.” Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila-sila’y nagtanungan kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay.

————

Ang “ISANG SAGLIT NA NINGNING” ay tunay ngang isang saglit lamang para sa tatlong disipulo na nakaranas kay Jesus, ng nakaraan, ng kasalukuyan, at ng kinabukasan sa plano ng Diyos. Sa ating buhay espirituwal, maaaring magkaroon tayo ng kahawig na karanasan na makilala si Jesus sa ating nakaraan, sa ating kasalukuyan, at sa kinabukasan na nakalaan sa atin. Ngunit, hindi tayo maaaring manatili sa karanasang ito. Katulad ni Jesus at ng tatlo na bumaba sa bundok upang ipagpatuloy ang nasimulan ni Jesus, kailangan din nating bumaba at ipagpatuloy ang nasimulan ng Diyos sa ating buhay bilang mga Kristiyano.

Lalong nagningning si Jesus ng siya ay nagpatuloy sa pagtuturo, nagpagaling ng mga maysakit, bumuhay ng mga patay, at nagpalayas ng mga demonyo. Siya ang maliwanag na ningning ng ilaw ng Ama. Kapag pinagsusumikapan nating sundan si Jesus, tayo ay lalong magniningning sa wangis ng Diyos. Sana, tayo rin ay maging maliwanag na ningning ng ilaw ni Jesus!
Opo, Ama, nais naming makinig sa iyong Anak palagi!

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,550 total reads

 1,550 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 52,680 total reads

 52,680 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,046 total reads

 138,046 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,782 total reads

 184,782 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 232,653 total reads

 232,653 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,090 total reads

 334,090 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IT IS NEVER TOO LATE.

 6,495 total reads

 6,495 total reads Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9 IT IS NEVER TOO LATE. Some people told Jesus about the Galileans whose

Read More »

RENDERED USELESS

 6,613 total reads

 6,613 total reads Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59 RENDERED USELESS Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising

Read More »

INEVITABLE

 13,983 total reads

 13,983 total reads Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53 INEVITABLE Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth

Read More »

A GREAT BLESSING

 12,179 total reads

 12,179 total reads Gospel Reading for October 21, 2026 – Luke 12: 39-48 A GREAT BLESSING Jesus said to his disciples: “Be sure of this: if

Read More »
Scroll to Top