“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

SHARE THE TRUTH

 8,794 total views

Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA. O kung nanalo man ang mga rebeldeng sundalo, baka military junta ang ibinunga. Baka hindi na nanumbalik ang civilian supremacy over the military. Baka walang katapusang civil war ang kinahinatnan natin, katulad ng sa bansang Myanmar.

Ang ganda ng timing ng pyesta ng EDSA Shrine sa taon na ito ng 2024: second Sunday of Lent, at ang Gospel reading ay ang Transfiguration story ayon kay St Mark. Kaya ang homily na ito ay tungkol sa EDSA People Power Revolution bilang makasaysayang karanasan ng “Pagbabagong Anyo ng Bayang Filipino,” at kung bakit mahalaga na ito’y ating balik-tanawin, sariwain at pagnilayan.
Sa ating first reading, nagtayo daw ng altar si Abraham para pag-alayan ng anak niyang si Isaac, sa paniwalang iyon ang hinihingi ng Diyos. Salamat na lang at pagsubok lang pala, at pinigilan siya ng Diyos sa huling sandali. Di ba’t ang dami pa ring mga bansa sa daigdig na nasa giyera, at ang patuloy na isinasakripisyo nila ay ang buhay ng kanilang mga anak sa mga altar ng karahasan at digmaan? Delikado pala ang mga altar; baka magkamali tayo ng iaalay. Magandang itanong sa sarili: “Ano kaya ang mga sakripisyong inihahandog natin sa Diyos sa mga altar ng bayan sa sandaling ito ng kasaysayan, na baka hindi naman niya hinihingi sa atin, o baka hindi niya ikinatutuwa?”

Dahil napakatinding karanasan ang pinagdaanan ng ating bayan sa lugar na ito 38 years ago noong a-22 hanggang a-25 ng Pebrero 1986, minabuti ng yumaong Jaime Cardinal Sin na itayo ang dambanang ito bilang Archdiocesan Shrine of our Lady of Peace. Sa araw na ito pagnilayan natin bilang isang bayan kung anong klaseng handog ang kalugod-lugod sa Diyos na dapat ialay sa altar ng Dambanang ito.

Sa Bibliya maraming kuwento tungkol sa mga lugar na tinayuan ng dambana o altar bilang paggunita sa mga dakilang sandali sa kanilang kasaysayan. Halimbawa ay ang kuwento sa Genesis 28 tungkol kay Jacob. Napadpad daw siya sa isang lugar kung saan siya nakatulog at nanaginip. Nakita daw niya sa kanyang panaginip ang isang hagdan na nagdurugtong sa langit at lupa. Sa magkabilang panig daw ng hagdan ay may nakita rin siyang mga anghel na umaakyat at bumababa, at ang Diyos mismo na nasa may paanan ng hagdan, nakatayo sa tabi ni Jacob. Nang magising siya, minarkahan daw niya ang lugar na iyon bilang isang sagradong pook at tinawag niyang BETHEL, isang entrada patungo sa “Bahay ng Diyos.” At nagtayo daw siya doon ng isang dambana.

Sa ebanghelyo, parang ganoon din ang binabalak na gawin ni San Pedro matapos na masaksihan niya at ng dalawang kasama niyang mga alagad ang pagbabagong-anyo ni Hesus. Na magtayo ng dambana o kubol, hindi isa kundi tatlo—isa para para kay Hesus, isa para kay Moises, at isa para kay Elias. Ayon sa awtor, nasabi daw niya ito dahil sa matinding pagkamangha sa nasaksihan, parang nawala sa sarili at nagsasabi-sabi. Kaya natakpan daw sila ng madilim na ulap at sinabihan ng isang tinig, “Ito ang Minamahal kong Anak, makinig kayo sa kanya.”

Sa madaling salita, tumahimik daw muna sila bago magplano ng kung ano-ano. Tulad ng temang napili ninyo “EDSA remembered, renewed and reflected”. Pero imbes na past participle, gawin nating present participle: “EDSA 38: Remembering, Renewing and Reflecting”. Mahalagang balik-tanawin, sariwain at pagnilayan ang mga bagay na naganap sa lugar na ito noong Feb 1986. Tulad ng bukambibig ni Pope Francis na SYNODALITY—matuto tayong makilakbay, luwagan ang espasyo ng tolda. Makinig, makipagkaisang-puso at diwa, makilahok at makimisyon. Upang mangyari ito, kailangang hayaang magpatuloy ang pag-uusap; mapalalim ang pag-uusap na ito, gawing “spiritual conversation”, hayaan natin na ang Espiritung gumabay sa atin noon ay siya pa ring gagabay sa atin ngayon at sa darating pang mga panahon.

Baligtad kasi ang gustong mangyari ni San Pedro, ayon sa kuwento. Kaya siguro siya binara ng Diyos. Sumabat-sabat ba naman siya sa pag-uusap ng tatlo. Di ba’t sa ating kultura, hindi tama ang basta ka na lang sasabat sa pag-uusap ng mga tao, o dadaan sa pagitan nila nang hindi nagpapasintabi? Hindi lang siya sumabat; ipagtatayo daw sila ng tatlong kubol. Tig-iisa sila. Paano nila ipagpapatuloy ang pag-uusap kung bubukod sila sa tatlong magkakahiwalay na kubol? Aba hindi lang pala niya sinasabat ang pag-uusap, gusto niyang putulin at tapusin. (May tawag sa ganito sa panahon natin ngayon: mga “conversation stoppers.” Di ba’t may mga topic na pag ipinasok mo ay pumuputol sa pag-uusap? Sa loob mismo ng Simbahan marami ring mga “conversation stoppers.” Pero minabuti ni Pope Francis na buksang muli ang mga pag-uusap.)

Ano ba ang pinag-uusapan nina Hesus, Moises at Elias? KALAYAAN. At ito rin ang paksa ng EDSA: Ano ang susi ng kalayaan?

Kay Moises ito ay ang matapat na pagsunod ng bayang Israel sa mga batas o kautusan ng Diyos. Pagsunod sa pinakaunang Konstitusyon, kumbaga—ang Sampung Utos ng Diyos.

Kay Elias, ang susi ng kalayaan ay ang konsensya ng tao, isang malinis na kalooban na tapat sa kasunduan. Walang kuwenta ang Kautusan o batas kung hindi ito nakatayo sa pundasyon ng katapatan sa kasunduan.

At kay Hesus, ang susi ay ang kusang-loob na paghahandog ng sarili. Hindi salapi o kayamanan, hindi dugo ng hayop o ng tao kundi pag-ibig na handang mag-alay ng buhay alang-alang sa minamahal.

Ayon sa kuwento ni San Markos, nag-uusap daw ang tatlo—at sa gitna ng pag-uusap na ito, nakita nilang nagningning at nagbagong-anyo si Hesus. Makapangyarihan ang mga pag-uusap sa liwanag ng Salita ng Diyos; nakapagbabago ng anyo!

Ang EDSA ay isang maningning na sandali ng kadakilaan para sa bayang matagal na nanahimik ngunit biglang nagising, lumabas at nagkaroon ng lakas ng loob na makipag-usap. Pag-uusap na mahalagang sangkap ng kalayaan—lalo na nang mga panahong iyon na ipinagbawal ang malayang pamamahayag. Kung gusto nating lumaya, kailangang magkatagpo-tagpo tayo para sa makabuluhang pag-uusap. Mayroong nagsa-Moises sa atin, mga magigiting na mambabatas na bumuo ng Bagong Konstitusyon. Malaki ang naiambag ng mga pag-uusap nila para sa pananauli ng batas, at para hindi na muling mabawi ang ating kalayaan, para di na muling mapailalim sa mga kamay na bakal. Malaki ang naiambag ng mga bumalangkas ng isang malaya at demokratikong konstitusyon. Kaya iniingatan natin. Iyon ang diwa ni Moises—na hindi tayo lalaya kung hindi tayo bubuo ng mga batas na patas na ayon sa kalooban ng Diyos na pinagmumulan ng lahat ng mga batas. Hindi malulubos ang kalayaan kung nakasulat nga ang mga ito pero hindi naman natin tinutupad o sinusunod. At hindi rin mapanatili ang kalayaan kung hahayaan nating manipulahin ang batas para sa interes ng iilan, hindi ng nakararami. Linawin nating mabuti ang pagkakaiba ng people’s initiative sa politicians’ initiative. Kung ibig nilang igalang ang kanilang mandato ayon sa kasalukuyang Konstitusyon, ipakita muna nila na may paggalang din sila sa Konstitusyon na kanilang sinumpaan.

Kaya bukod kay Moises, kailangan din natin ng mga Elias—mga propetang aantig sa konsensya ng bayan. Mga tagpagpaalala na walang kuwenta ang batas kung malimutan natin ang tunay na pundasyon nito: KASUNDUAN ang pundasyon ng KAUTUSAN. Isang realasyon na humihingi ng katapatan. Kapag nawala ito, ang Batas ay pwede na namang gamitin sa pang-aapi sa mahihirap, pang-aabuso ng kapangyarihan at pang-aalipin sa mga maliliit at walang kalaban-laban. We have seen how the law has been weaponized by people who have no respect for it.

Kaya siguro may mga katulad ni Pedro sa kuwento na gustong sumabat sa pag-uusap, dahil sa takot at pangamba, dahil sa pagkawala ng tiwala— at ang suhestiyon ay magkanya-kanya na lang sila. Di ba’t natutukso rin tayo kung minsan na magduda kung mayroon nga ba tayong pinagkakaisahan bilang mga Filipino? Naalala ko tuloy ang eksena sa pelikulang Gomburza, nang tanungin ang isang katulong na katutubo—“Filipino ka ba?” At ang sagot niya ay “Tagalog po ako.“ Baka nga hanggang ngayon wala pa ring kinalaman ang mga Tagalog sa mga Cebuano at Ilocano, o ang mga Kapampangan, Ilonggo o Bicolano sa isa’t isa. Na kanya-kanya pa rin tayo. Na baka matapos na mawala sa mga dayuhan ang kapangyarihan ay napasakamay lamang ito sa mga bagong amo na ang turing sa kapwa Filipino ay wala pa ring pinagkaiba sa turing ng mga kolonyal na Kastilang amo sa mga sinaunang “Indio”. Na baka hindi talaga mapagsasama ang Muslim, Kristiyano at Lumad, mga Protestante, Iglesia at Katoliko. Na baka nga mas makabubuting ang Mindanao ay bumukod na sa Luzon at Visayas, tulad ng mungkahi ng iba?

Ganyan ang panukala ng mga nadidiliman ng isip. Narito tayo dahil alam natin na ang EDSA ay isang UNFINISHED PROJECT, isang WORK IN PROGRESS. Na hindi magtatagumpay ang diwang ito kung isusuko natin. Ano nga ba ang saysay ng EDSA:

-kung wala pa ring makitang kinabukasan ang mga kababayan nating taga-probinsiya kundi ang lumikas at makipanirahan sa mga gilid-gilid ng mga mauunlad na siyudad? Di baleng iskwater makahanap lang ng mapagkakitaan kahit minimum?

-Ano’ng saysay kung wala pa ring katarungang panlipunan? Kung ang kayamanan ng bayan ay nasa kamay lang ng iilang pamilya at ang mga dukha ay walang ibang pinapangarap kundi ang makapag-abroad bilang OFWs?

-Ano ang saysay kung wala pa ring choice ang mga kapatid na Moro sa Mindanao kundi ang humawak ng armas para lang maipagtanggol ang kanilang mga lupa sa mga ibig mangamkam nito, kung tatawaging “komunista” ang mga trabahador kapag sumali sa mga unyon at humingi ng tamang sahod, kung ire-red tag pati mga kooperatiba ng mga magsasaka dahil ayaw magpakontrol sa mga kapitalista? Kung laging delikadong matawag na terorista kahit ordinaryong mga aktibista? Ano ang kahihinatnan natin kung gigiyerahin ng Pilipino ang kapwa Pilipino? Payayamanin lang natin ang mga industriya ng armas. Walang makikinabang sa ganyan kundi ang mga dayuhan na laging nakaabang na samantalahin ang ating kahinaan o sakupin na naman tayo. Alam natin kung sino ang mga dating dayuhang amo; at kung sino ang bagong nakaabang na manakop sa mga teritoryo natin.

Ano ang saysay ng EDSA kung tatanggapin na lang natin ang korapsyon sa gubyerno bilang normal na “kalakaran”? Kung maging bahagi na ng kultura natin ang “pangungumisyon” sa lahat ng uri ng serbisyong pampubliko? Kung ang mga pondong galing sa buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ay gawing confidential funds o intelligence funds ng mga pamilyang mahusay magpatron para manatili sa puwesto? Kung ang inaasahan ng taumbayan sa mga lingkod-bayan ay laging ayuda imbes na good governance? Kung hindi na natututong magsulat at magbasa ang mga istudyante dahil sa depektibong sistema ng edukasyon? Kung di na natin sila maturuang kumilatis sa pagkakaiba ng information sa disinformation? Kung nabubulok sa bilangguan ang mga akusadong walang pambayad piyansa at abogado dahil sa depektibong sistema ng hustisya? Kung hindi na natin mapanagot sa batas ang mga tiwali at mapang-abuso sa gubyerno, kung hindi na tayo marunong pumili ng tamang mamumuno?
Kailangang balikan at gunitain diwa ng EDSA dahil maraming mga kalituan na dapat linawin at mga pagkakamali na dapat tuwirin sa mga sumunod na pangyayari mula noong 1986. Kaya kailangan ang pag-uusap at pakikinig at pagkilatis. Kung patuloy tayong maniniwala na ang paghalal ng mga bagong lider ay sapat na para mapabago at mapaunlad ang bayan natin uulit-ulitin lang natin ang mga pagkakamali ng nakaraan. Maraming puwersa ang nagtagpo-tagpo sa EDSA, may kani-kaniyang papel ang bawat isa—simbahan, negosyante, kabataan, sundalo’t kapulisan, eskwelahan, oposisyon, mga kilusan at puwersang demokratiko atbp. Kapag hindi malinaw kung anong papel ang dapat gampanan ng bawat isa, talagang pupulutin tayo sa kangkungan.

Minsan talagang nakakatukso ang magsa-Pedro na lang—ang magsabing magkanya-kanya na lang kaya muna tayo? Na magsaulian na lang ng kandila sina Ate Luz, Ate Vi at Ate Minda? Iyan ay bunga ng pagdidilim ng isip na madalas mangyari sa mga taong natatakot, nasisiraan ng loob, nawawalan ng tiwala sa sarili, sa kapwa-tao at sa Diyos.

Sa araw na ito ng ika-38 anibersaryo ng EDSA PPR, may tinig pa ring maririnig kahit sa gitna ng madilim na ulap, tinig na magbibigay pag-asa, tinig ng langit na magpapalinaw na ang minsa’y nasaksihan nating kadakilaan sa EDSA, kahit parang panandalian lang ay may maraming aral na maituturo sa atin. Sa pag-uusap na makabuluhan sa tanglaw ng Salita ng Diyos ayon kay Moises at Elias, sa pakikinig at pakikiisa sa Salitang nagkatawang tao kay Hesukristo, magaganap din ang ating sariling pagbabagong-anyo. Kaya umalingawngaw ang paanyaya ng langit, “Ito ang minamahal kong Anak. Makinig kayo sa kanya.” Makinig sa bukodtanging makapagtuturo sa atin ng tamang pag-uusap na may paggalang, pagkilatis at kahandaang maghandog ng sarili.

Kaya bumalik tayo sa pag-uusap kung ibig nating malubos ang pinangarap sa EDSA, kung ibig natin ng mapayapang paraan ng pagbabago, iwaksi na ang karahasan. Saksi ako kung paano naging huwaran ng maraming bansa sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa nangyari sa EDSA. Tandang-tanda ko pa, iyun taon na napadpad ako sa Belgium para sa aking Licentiate program na nagsimula noong September 1986. Dahil mga bagong estudyante kaming lahat at international, nagpakilala muna kami sa isa’t-isa. Nang sabihin ko na ako’y Filipino, sabi ng professor, “You mean you come from the country that gave the world a shining example of a peaceful revolution? Bravo!” At pumalakpak silang lahat. Naulit ang palakpak na iyon nang bumalik ako para simulan ang aking Doctoral program. Ang pinalakpakan naman namin noon 1989 ay ang gumaya sa ating EDSA PPR—ang mga mamamayan ng Berlin, na nauwi sa pagkabagsak ng Berlin wall. Mula noon, sunod sunod na naganap ang iba pang mga PPR na nagbunga ng kalayaan ng maraming mga bansa sa Eastern Europe nang walang dumanak na dugo at bumuwag sa dating USSR. Tama ang sinasabi ng theme song ng EDSA: “Handog ng Pilipino sa mundo—mapayapang paraang pagbabago.”

Kung ibig natin ng pag-unlad para sa lahat, hindi lang para sa iilan, ituloy ang pag-uusap. Kaya tinayuan ng dambana ang EDSA, para may lugar kung saan pwedeng magkatagpo ang lahat ng handang makilahok sa kakaibang klase ng pamamanata. Pamamanata, hindi para sa sarili o para sa anak, magulang o kaanak, kundi para sa bayan. Di ba binibigkas natin araw-araw ang panatang iyon nang tayo’y mga mag-aaral pa? ANG PANATANG MAKABAYAN? Panata na “iibigin natin ang Filipinas, dahil ito ang lupang ating sinilangan, ito ang tahanan ng ating lahi, ang bayang kumukupkop sa atin upang tayo’y maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang?” Di ba’t namanata tayo na “makikinig tayo sa payo ng ating mga nakatatanda, na tutupad tayo sa mga alituntunin at batas bilang mga mamamayang matapat at makabayan? Na lagi tayong magsisikap na maging tunay na Filipino sa isip, sa salita at sa gawa?”

Ang naging simbolo ng EDSA ay si Maria, Birhen ng Kapayapaan. Na ito ang ating misyon bilang isang bayan—ang ihandog sa mundo ang isang regalo—mapayapang paraan ng pagbabago. Na ang katotohanan, kalayaan at katarungan ay kayang makamit na walang dahas, basta’t pagsumikapan nating makilahok sa pag-uusap, makipagkaisang puso at diwa, makibahagi sa paghahatid ng mabuting balita—na ang nasaksihan nating isang munting sandali ng kadakilaan ng pagbabagong-anyo kung atin gugunitain, sasariwain at pagninilayan ay patuloy na magpapabago sa ating bansa upang makamit natin ang isang lipunang tunay na mapayapa, maunlad, patas, at malaya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 8,360 total views

 8,360 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 12,605 total views

 12,605 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 19,520 total views

 19,520 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 34,898 total views

 34,898 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 47,322 total views

 47,322 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 9,969 total views

 9,969 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 8,801 total views

 8,801 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 8,787 total views

 8,787 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 8,786 total views

 8,786 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 8,789 total views

 8,789 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 8,791 total views

 8,791 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 12,102 total views

 12,102 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 12,096 total views

 12,096 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 12,098 total views

 12,098 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 12,065 total views

 12,065 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 20,641 total views

 20,641 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 15,774 total views

 15,774 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 15,774 total views

 15,774 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 15,774 total views

 15,774 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANGALANAN

 23,692 total views

 23,692 total views Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 23 ng Disyembre 2023, Lk 1:57-66 Isa sa pinakamahalagang silbi ng linggwahe para sa tao ay ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Kaya karamihan sa mga linggwahe ay mayroong diksyunaryo. Importante ang diksyunaryo lalo na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top