Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isulong ang malaya, libre, abot-kaya at makataong sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

 14,683 total views

Ito ang panawagan ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa pamahalaan sa paggunita ng International Day of Education sa ika-24 ng Enero, 2024.

Ayon kay SCMP President Kej Andres, ang edukasyon ay paraan upang mahasa ang mga talento at kasanayan ng kabataan na biyaya ng Panginoon.

“Naniniwala ang kabataang Kristiyano na ang edukasyon ay daan sa pagtuturo at pagpapaunlad ng mga talentong biyaya sa atin ng Maykapal, upang maisakatuparan ito, nararapat na malatag ang mga kondisyon na magtitiyak na ang edukasyon sa Pilipinas at karapatan, abot-kaya, at malaya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.
Umaasa si Andres na mabatid din ng bawat mag-aaral na sa tulong ng edukasyon ay mapapalawak ang kanilang kamalayan.

Ipinaalala ni Andres sa mga kabataan ang mga natutunan upang iparating sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos.
Naniniwala ang SCMP na sa pamamagitan ng edukasyon ay makakaahon ang isang indibidwal sa kahirapan.

“Higit pa roon, pinapahalagahan natin ang edukasyon na magbibigay ng oryentasyon kung para kanino ba dapat ang ating mga natutuhan sa paaralan, walang iba kundi sa paglilingkod sa kapuwa nating mahihirap at aba. Inilalagay ng edukasyon sa wastong landas ang kabataan kung nagtuturo ito ng mga halagahan upang maging makakalikasan, makabayan, makamahihirap, at maka-Diyos ang kabataang Pilipino,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Andres.

Ngayog taon ay itinalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ang tema ng International day for education na “learning for lasting peace”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 5,010 total views

 5,010 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 51,540 total views

 51,540 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 89,021 total views

 89,021 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 120,983 total views

 120,983 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 165,695 total views

 165,695 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Wake up, people of this nation!”

 2,366 total views

 2,366 total views Ito ang masidhing panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino kasunod ng magkakasunod na pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Read More »

RELATED ARTICLES

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 22,520 total views

 22,520 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 18,803 total views

 18,803 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 18,351 total views

 18,351 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »
Scroll to Top