Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“It is like living in the valley of death.”

SHARE THE TRUTH

 376 total views

Ganito ang pagsasalarawan ng tatlong Metropolitan Archbishops ng Northern Luzon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa na nagsimula sa loob ng nakalipas na mahigit limang taon.

Sa pamamagitan ng “Joint Pastoral Message on the Culture of Murder and Plunder” ay nagkaisa sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas, Nueva Segovia Archbishop Marlo M. Peralta at Tuguegarao Archbishop Ricardo L. Baccay sa mariing pagkundina laban sa kultura ng pagpaslang at katiwalian na nagaganap sa bansa sa kasalukuyan.

Nakapaloob sa naturang joint pastoral message ang pagpuna ng mga arsobispo sa hindi katanggap-tanggap na serye ng pagpaslang at pagkamatay ng maraming inosenteng indibidwal mula sa marahas na kampanya ng pamahalaan sa ilegal na droga na tinaguriang War on Drugs; mga mamamahayag; mga kritiko ng administrasyon; mga hukom; at maging mga pari o lingkod ng Simbahan.

“It is like living in the valley of death—killing of drug users and opponents; helpless death in the pandemic, death by governance without vision, death by shameless corruption that seems to break all records. Killings! Murders! Deaths! Since the past five years, more than thirty thousand poor Filipinos have been killed in the campaign against illegal drugs. Journalists have been killed, political opponents have been murdered, court judges have been assassinated, priests have been shot and critics have been bullied and threatened. ” Ang bahagi ng Joint Pastoral Message on the Culture of Murder and Plunder from the Metropolitan Archbishops of Northern Luzon.

Partikular ding tinukoy ng mga Arsobispo ng Northern Luzon ang kawalan ng direksyon sa pamamahala sa bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya na higit na nagdudulot ng krisis, paghihirap at maging katamayan sa mamamayan hindi lamang sa mga dinapuan ng COVID-19 virus kundi maging sa mga medical health workers at mga simpleng manggagawa.

Giit ng mga Arsobispo, “The poor are slowly dying from joblessness due to ridiculous confusing quarantine classifications. Incompetence kills peoples. Ineptitude kills nations and economies. Hunger kills slowly. Bullets kill. Viruses kill. Governance without direction kills. Corruption kills. Trolls kill with fake news. Hunger kills. When will the killings stop? The poor pay for the corruption of the powerful. The nation is sinking in debt.”

Nasasaad rin sa naturang pahayag nina Archbishop Villegas, Archbishop Peralta at Archbishop Baccay ang napapanahon ng pagsisi at pagbabalik loob ng bawat isa kung saan inihayag ng mga arsobispo ang kahalagahan ng pagsasagawa ng penitential rosaries at reparation prayers upang hilingin ang habag at awa ng Panginoon.

Binigyang diin rin ng tatlong arsobispo na bahagi ng ‘moral duty’ ng bawat isa na manindigan at itama ang mga maling nagaganap sa bansa partikular na ang patuloy na pag-iral ng karahasan, katiwalian at kawalan ng katarungan na nagdudulot ng paghihirap sa mas nakararami.

Pinuri at hinakayat naman ng tatlong arsobispo ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa mga katiwaliang nagaganap sa lipunan na umaangkin sa pondong dapat ay inilalaan para sa kapakanan at kabutihan ng mga mamamayan.

“We commend, bless and encourage the FULL INVESTIGATION, by those in authority, of any whiff of corruption”

Muli namang nanawagan sina Archbishop Villegas, Archbishop Peralta at Archbishop Baccay para sa kahalagahan ng nakatakdang halalan sa bansa at hinikayat ang mga kabataan at first time voters na magparehistro.

Umapela rin ang tatlong arsobispo sa mga may pagnanais na tunay na maglingkod sa bayan na muling manindigan para sa kapakanan ng bayan at ibalik ang katapatan at kaayusan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagtakbo sa nakatakdang halalan.

“FREE ELECTIONS which allow the selection and change of representatives is the most effective way to make political authority accountable (cfr. #408). In this spirit, we plead with our youth and first time voters to register themselves. We appeal to the sense of patriotism of the reluctant candidates to bring back ethics in our political life and run according to your conscience not according to the surveys.” Dagdag pa ng Metropolitan Archbishops of Northern Luzon.

Paliwanag ng tatlong arsobispo, “This is not the time for despair but courage. This is not the time to be quiet but to stand up for God. Against the tide of murders and plunder, let us bear witness to TRUTH and LIFE!”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,562 total views

 69,562 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,337 total views

 77,337 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,517 total views

 85,517 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,129 total views

 101,129 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,072 total views

 105,072 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,828 total views

 22,828 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,498 total views

 23,498 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top