Itaguyod ang dignidad ng tao

SHARE THE TRUTH

 714 total views

Mga Kapanalig, tututulan ng ilang kaalyadong senador ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimulang muli ng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa alegasyong crimes against humanity ng administrasyon ng dating pangulo. Sakop ng imbestigasyon ng ICC ang mga kaso ng pagpatay at extrajudicial killings noong alkalde pa si dating Pangulong Duterte ng Davao City mula Nobyembre 2011 hanggang June 2016. Iimbestigahan pati ang mga pagpatay sa ilalim ng kanyang “war on drugs” mula July 2016 hanggang March 16, 2019, isang araw bago umalis ang Pilipinas sa Rome Statute, ang kasunduang pinagbabatayan ng ICC.

Para kina Senador Jinggoy Estrada, Robinhood Padilla, at Francis Tolentino, kawalan ng paggalang sa pamahalaan ang imbestigasyong gagawin ng ICC. May sapat na kakayahan naman daw ang sistemang pangkatarungan sa bansang papanagutin ang mga maysala. Naghain sila ng mga resolusyon sa senado upang pigilan ang pagbabalik-imbestigasyon ng ICC. Sa resolusyong inihain ni Senador Padilla, dinepensahan niya ang dating pangulo at sinabing kailangan ang paglaban sa iligal na droga upang makamit ang tunay paglago at kaunlaran sa bansa. Para naman kay Senador Estrada, ang apat na criminal cases na isinampa ng Department of Justice at Philippine National Police (o PNP) sa mga abusadong pulis ay patunay na pursigido ang pamahalaang papanagutin sila. Nanindigan din si Senador Tolentino sa kanyang posisyong hindi kailangan ang imbestigasyon ng ICC. 

Sa kabila ng mga ito, kinakapitan ng pag-asa ng mga pamilyang naulila sa madugong giyera laban sa iligal na droga ang imbestigasyon ng ICC. Ayon sa PNP, nasa anim na libo ang napatay sa kanilang mga operasyon upang sugpuin ang iligal na droga. Malayo ito sa dalawpu’t pitong libong tala ng iba’t ibang grupong nagsusulong ng karapatang pantao sa bansa. Karamihan sa mga biktima ay mahihirap. Patuloy na nagdalamhati at naghahangad ng hustisya ang kanilang mga naiwan.  

Isa sa mga umaasa sa imbestigasyon ng ICC si Khristine Pascual, ina ni Joshua Laxamana, isang menor de edad na napaslang noong 2018 dahil “nanlaban” daw siya sa operasyon ng mga pulis.  Kuwento ni Khristine sa isang pahayagan noong isang linggo, limang araw nang nawawala si Joshua nang puntahan siya ng mga pulis sa kanyang pinagtatrabahuhan upang ibalitang pumanaw na ang kanyang anak. Nagtamo si Joshua ng anim na tama ng baril. Hindi naman naniniwala si Khristine sa mga ibinibintang sa kanyang anak. Nagsampa siya ng mga kaso laban sa mga pulis na umabot pa sa Supreme Court. Na-dismiss ang mga kaso. Ani Khristine, paanong hindi sila aasa sa ICC kung para nang tinuldukan ang mga kaso, samantalang hindi pa nila nakakamit ang tunay na hustisya. Dagdag pa niya, isa sa mga nagbibigay pag-asa sa kanila ang imbestigasyon ng ICC. Lahat silang mga ulilang ina sa giyera kontra iligal na droga ay kumakapit dito nang mahigpit.

Malinaw ang posisyon ng Simbahan laban sa pagpatay. Sagrado ang bawat buhay ng tao. Nakabatay ito sa dignidad ng bawat isang taong nilikha sa wangis ng Diyos. Ayon nga sa Roma 8:39, “kahit anumang bagay ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.” Walang anumang kasalanan o pagkakamali ang maaaring maging dahilan upang maalis ang ating halaga bilang tao. Katulad ng pag-ibig ng Diyos para sa atin, walang hanggan ang posibilidad na magbago ang sinuman. 

Mga Kapanalig, walang pagpaslang sa ngalan ng paglago o kaunlaran ang mabibigyang katuwiran. Ang imbestigasyon ng ICC ay hakbang upang papanugutin ang mga lumapastangan sa dignidad ng tao. Sa halip na pigilan ito, dapat itong suportahan lalo na ng ating mga lingkod-bayan. Ang katapatan ng mga lingkod-bayan ay dapat nasa taumbayan. Kung nakakaligtaan nila ito, huwag nawa tayong mangiming ipaalala sa kanilang ang pagtataguyod sa ating dignidad ang dapat na prayoridad nila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Farm lots

 1,999 total views

 1,999 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 3,239 total views

 3,239 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 13,252 total views

 13,252 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 23,158 total views

 23,158 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Inclusive mobility

 37,923 total views

 37,923 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 2,000 total views

 2,000 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 3,240 total views

 3,240 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 13,253 total views

 13,253 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 23,159 total views

 23,159 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 37,924 total views

 37,924 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 49,991 total views

 49,991 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 69,388 total views

 69,388 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 80,503 total views

 80,503 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 84,424 total views

 84,424 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 67,351 total views

 67,351 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 63,749 total views

 63,749 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 63,358 total views

 63,358 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 86,185 total views

 86,185 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 100,614 total views

 100,614 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 116,486 total views

 116,486 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top