Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itatatag na OFW dept., pag-asa ng OFWs-obispo

SHARE THE TRUTH

 243 total views

Umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na hindi matutulad sa papaalis na administrasyong Aquino ang incoming Duterte Administration sa usapin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na wala halos naitulong at ni hindi man lamang nagpasalamat.

Ayon kay Balanga Bataan bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, umaasa siya na tutuparin ng incoming President Rodrigo Duterte ang naipangako nitong pagtulong sa mga OFW sa pamamagitan na rin ng pagpapatayo ng sariling Departamento (Department of OFW).

Sinabi ng obispo na kung matutupad ang pangako, susuportahan ito ng Simbahang Katolika para sa pagsulong ng mga OFW.

“Naririnig ko sa media na magtatayo ng department of OFW kung ito ay matutupad tayo sa Simbahan sumusuporta dito, para maiwasan ang bururukrasya at matutukan ang pangangilangan ng mga OFW.” Pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas sa programang Veritas Pilipinas.

Gayunman, umaasa ang obispo na makakagawa ang bagong administrasyon ng mga trabaho sa bansa upang mabawasan na rin ang bilang ng mga Filipino sa abroad.

“Hiling natin huwag tayong nakatutok na isang bansa na nagdadala ng manpower, kailangan dito pa lang may trabaho na upang hindi na umalis ang mga Filipino at hindi mahirapan ang pamilya at hindi magkaroon ng brain drain sa bansa.” Ayon pa sa obispo.

Sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 12 milyon hanggang 15 milyon ang mga Filipino sa ibat’-ibang panig ng mundo kung saan mahigit 2 milyon dito nasa Gitnang Silangan.

Nauna na ring ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pahalagahan ang mga OFW sa kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa ekonomiya kung saan nitong first quarter ng 2016 nasa $2.7 bilyon ang remittances nila na mas mataas noong nakaraang taon na $2.4 bilyon lamang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,292 total views

 8,292 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,775 total views

 19,775 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,464 total views

 35,464 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,246 total views

 36,246 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 45,993 total views

 45,993 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 25,029 total views

 25,029 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 107,553 total views

 107,553 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top