Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang pagpatay sa mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 571 total views

Mga Kapanalig, muli na namang nadagdagan ang mahabang listahan ng mga mamamahayag na pinaslang sa ating bansa. Noong isang linggo, pinatay sa Calapan City, Oriental Mindoro si Cresenciano “Cris” Bunduquin, limampung taong gulang na radio journalist sa probinsya. Kilala si Bunduquin sa pagtalakay ng maiinit na isyu sa Mindoro. Ilan sa mga huling tinalakay ni Bunduquin sa kanyang programa ay ang oil spill mula sa MT Princess Empress, mga iligal na pasugalan, at lokal na pulitika. Nabanggit na raw ni Bunduquin sa manager ng istasyon kung saan siya nagtatrabaho na may banta talaga sa kanyang buhay. Sa katunayan, plano sana ni Bunduquin na magpahinga sa pamamahayag at magnegosyo muna.

Binaril si Bunduquin ng riding-in-tandem na mga suspek bandang alas-kwatro ng madaling araw noong Miyerkules. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hinahanap pa ng mga pulis ang suspek na bumaril mismo kay Bunduquin habang napatay naman ang nagmamaneho ng motorsiklo. May inihandang limampung libong pisong pabuya ang Presidential Task Force on Media Security sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa suspek.

Ang National Union of Journalists in the Philippines (o NUJP) ay nakapagtala na ng animnapung kaso ng paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag sa bansa mula Hunyo  2022 hanggang Abril ngayong taon. Kasama rito ang pagpatay kina Rey Blanco, mamamahayag mula sa Negros Oriental, at Percy Lapid, mamamahayag mula sa Las Piñas. Si Bunduquin ang ikatlong mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Patunay ang mga kasong ito na sa kabila ng pagtaas ng ranggo ng Pilipinas sa World Press Freedom Index—na nasa 132 sa 180 bansa ngayong taon mula sa 147 noong 2022—ay nananatiling peligroso ang bansa para sa mga mamamahayag. Para kay Jonathan de Santos, chairman ng NUJP, dapat mapanagot ang mga maysala sa mga pagpaslang sa mga journalists. Magpapatuloy ang mga pagpatay kung hindi mabibigyang hustisya ang mga biktimang mamamahayag. Sa katunayan, batay sa 2022 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (o CPJ), isang organisasyong nagsusulong sa karapatan ng mga mamamahayag, pampito ang Pilipinas sa buong mundo sa mga bansang bigong gawaran ng hustisya ang mga pinatay na mamamahayag. Mula Setyembre 2012 hanggang Agosto 2022, nakapagtala ang CPJ ng labing-apat na kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag na nananatiling unsolved. 

Malinaw sa sampung utos ng Diyos mula sa Exodo 20:12: “Huwag kang papatay.” Walang sinuman ang may karapatang bawiin ang buhay ng kanyang kapwa. Batay ang kautusang ito sa hindi matatanggal na dignidad ng taong mula sa pagmamahal ng Diyos. Kaya naman, importanteng mapanagot ang mga walang habas na pumapatay sa mga mamamahayag—mga mamamahayag na nagsisigurong nakakamit natin ang tamang impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa ating mga komunidad at lipunan. Itinuturo ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng impormasyon sa ating aktibong pakikilahok sa pamamahala. Kailangan natin ng impormasyong batay sa katotohanan, kalayaan, at katarungan.

Ang pagpaslang sa mga mamamahayag ay hindi lamang pagyurak sa kanilang dignidad. Pagkakait din ito sa mga mamamayan ng kanilang karapatan sa tamang impormasyon. Ayon nga kay Pope Francis sa isa niyang panayam kasama ang mga mamamahayag noong 2019, kailangan natin ng mga mamahayag na titindig sa tabi ng mga biktima, ng mga inaapi, at ng mga isinasantabi. Samakatuwid, ang pagpatay sa mga mamamahayag ay lantarang pang-aabuso sa ating lahat bilang isang komunidad at lipunan, lalo na sa mga nasa layalayan ng ating lipunan. 

Mga Kapanalig, walang puwang ang pagpatay sa mga mamamahayag at ang pagtatago ng tamang impormasyon sa magandang plano ng Diyos para sa atin. Manawagan tayo sa kinauukulang umaksyon upang matigil na ang pagpatay sa mga mamamahayag. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,594 total views

 5,594 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,734 total views

 18,734 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,707 total views

 24,707 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,462 total views

 30,462 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,724 total views

 37,724 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,595 total views

 5,595 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,735 total views

 18,735 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,708 total views

 24,708 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,463 total views

 30,463 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,725 total views

 37,725 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,037 total views

 41,037 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,418 total views

 36,418 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,422 total views

 48,422 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,464 total views

 56,464 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,021 total views

 48,021 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,446 total views

 46,446 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,232 total views

 48,232 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,157 total views

 45,157 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,471 total views

 59,471 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,161 total views

 63,161 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top