Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang pananakot at pagpapatahimik

SHARE THE TRUTH

 325 total views

Mga Kapanalig, isang umiinit na usapin nitong mga nakaraang araw ang pagpapangalan sa ilang personalidad na kabilang sa mga progresibong grupo bilang kasapi umano ng Communist Party of the Philippines at ng armadong grupo nito, ang New People’s Army (o NPA). Ang pangulo mismo ang nagpangalan sa isang partylist representative bilang kasapi ng Partido Komunista at ang kinakatawan niyang partylist group bilang front organization.  Ang ganitong mga akusasyong tinatawag na redtagging—“red” dahil pula ang kulay na naiuugnay sa mga komunista—ay ‘di lamang mapanira sa salita. Inilalagay din nito sa panganib ang buhay ng mga inaakusahan.



Nitong nagdaang mga araw, may naganap na dalawang insidenteng kinasangkutan ng mga aktibistang iniuugnay ng pamahalaan sa Partido Komunista. Isa rito ay humantong sa pagkasawi ni Jevilyn Campos Cullamat, bunsong anak ng isang mambabatas na miyembro ng Bayan Muna at kabilang sa tribong Manobo. Si Jevilyn ay sinasabing isang medic o nanggagamot sa mga miyembro raw ng NPA. Napatay si Jevilyn sa isang enkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at ng NPA sa Surigao del Sur. Matapos siyang mapaslang, kinunan pa ng retrato ang kanyang bangkay na tila may hawak na armas sa harap ng mga nakahilerang mga sundalo.[1]

Ang ikalawang insidente ay ang pagdakip kay Amanda Echanis, anak naman ng lider-pesanteng si Randy Echanis na kamakailan lang din ay napaslang. Dinakip ang nakababatang Echanis, na kapapanganak pa lamang sa isang-buwang gulang na sanggol, noong Miyerkules sa Baggao, Cagayan, sa bintang na illegal possession of firearms and explosives.  Mariin namang nanindigan ang Anakpawis na grupong kinabibilangan ng mag-amang Echanis na ang mga armas na sinasabing natagpuan sa tinitirhan ni Amanda ay itinanim ng mga umaresto sa kanya.[2]

Lubhang nakababagabag ang mga kaganapang ito.  Una, ang mga nasasangkot ay kabilang sa sektor ng kabataan at mga babae. Anak sila ng mga kilaláng aktibista rin. Ikalawa, sila ay tumutulong sa mga komunidad at mga sektor na mahihirap, katulad ng mga katutubo at mga mambubukid. Ikatlo, naging lantad sa nangyari kay Jevilyn ang kawalan ng paggalang sa dignidad at pagkatao ng biktima sa kamay ng mga alagad ng batas.

Tila malinaw ang mensaheng pinahahatid ng mga pangyayaring ito lalo na sa konteksto ng mga nagaganap na protesta ng mga estudyante sa mga malalaking pamantasan sa Maynila. Tiyak na mag-aalala at matatakot pati ang mga magulang. Sinong magulang ang hindi gugustuhin pang ipagpalit ang sariling buhay mailigtas lang ang buhay ng anak? Lalong matindi ang pananakot kung ang kabataan ang pinupuntirya.

Sa kabila ng matitinding problemang kinakaharap ng bansa ngayon, nakatutulong ba o nakadaragdag pa sa mga alalahanin at pagdurusa ng mga mamamayan ang pananakot at pagtugis sa mga sinasabi ng pamahalaang kaaway nito? Ang gusto ba ng pamahalaan ay tumiklop lang at tumahimik ang ating mga kabataan kahit na may nakikita silang mali at dapat iwasto sa ating lipunan?

Sa pagtugon sa mga suliranin at kawalan ng katarungan sa lipunan, itinataguyod sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang tinatawag nating “active non-violence” o ang mapayapa ngunit aktibong pagkilos at pagsusulong ng makataong lipunan, hindi ang pananahimik sa gitna ng karahasan at pagkakait ng katarungan sa mga dukha. Ito ang ginagawa ng marami sa ating kabataan. Nakikita ito sa kanilang pagpanig at pakikiisa sa mahihirap, pag-oorganisa at paglilingkod sa mga komunidad, at mapayapang pagpoprotesta at pagpapanagot sa mga pamahalaan. Nag-aaral sila upang makapaglingkod sa bayan balang araw. Kailangan sila ng ating Inang Bayan. Hindi sila dapat tinatakot, hindi sila dapat pinatatahimik.

Mga Kapanalig, gaya ng mababasa natin sa Mateo 25:31-46, si Kristo man ay nagpapaalala sa ating sa huling paghuhusga, ang magiging pamantayan Niya ay kung paano tayo nagpakita ng pagmamahal, pagkalinga at pakikiisa sa mga nagugutom, maysakit, nakapiit, at walang matuluyan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,600 total views

 34,600 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,730 total views

 45,730 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,091 total views

 71,091 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,474 total views

 81,474 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,325 total views

 102,325 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,089 total views

 6,089 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,601 total views

 34,601 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,731 total views

 45,731 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,092 total views

 71,092 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,475 total views

 81,475 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,326 total views

 102,326 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,794 total views

 94,794 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,818 total views

 113,818 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,492 total views

 96,492 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,110 total views

 129,110 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,126 total views

 126,126 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top