Birheng Maria, gawing modelo ng paghahanda sa 500 years if Christianity.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 882 total reads

Ang Mahal na Birheng Maria ang pinaka-naaangkop na modelo ng paksa ng paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na Year of Missio Ad Gentes.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na may temang Birhen ng Guadalupe – Pag-asang Tanglaw, Inang nagbubuklod sa bawat isa.

Ayon sa Obispo, bahagi ng tungkulin ng mga Kristiyano na ipalaganap ang liwanag, pag-asa at pananampalataya na biyaya ng Panginoon sa bawat isa.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, ang Mahal na Birheng Maria ang pinaka-naaangkop na modelo ng pagmimisyon na pagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon para sa mas nakararami.

“kailangan pa nating ipalaganap ang liwanag ni Kristo, kaya may tungkulin tayo diyan kaya sinasabi nga natin Gifted to Give binigyan tayo ng biyaya ng pananampalataya, ng liwanag ng pananampalataya hindi lang po yan para sa atin, yan po ay para sa lahat kaya kailangan natin ibahagi itong pananampalatayang ito at ang modelo po natin diyan sa Missio Ad Gentes, pagmimisyon ay ang ating Mahal na Ina…” Bishop Broderick Pabillo.

Paliwanag pa ng Obispo, maituturing din ang Mahal na Ina bilang siyang “First Evangelizer” na unang nagdala ng Mabuting Balita sa iba’t ibang bansa partikular na sa Latin Amerika, India at Mexico.

“Si Maria the First Evangelizer na siya ang unang nagdala ng Mabuting Balita ay pinapakita po ng Mahal na Ina na pinapakita ng ating Mahal na Ina ng Guadalupe, sa totoo lang siya ang nag-evangelize sa buong Latin America, sa mga Indians, sa mga Latino ng Latin America, dahil sa kanya tinanggap ng mga Mexicano ang Mabuting Balita, bakit, sapagkat siya mismo ay lumapit sa kanila…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.



Inihayag naman ng Obispo na mayroong dalawang aspekto ang pagmimisyon na hamon sa bawat Kristiyano –ang pagmimisyon upang magpahayag ng balita ni Hesus at ang pagmimisyon upang maglingkod sa mga nangangailangan tulad ng ginawa ni Hesus.

Nauna ng inihayag ni Bishop Pabillo na ang katuparan ng misyon ni Hesus na kaligtasan ay para sa lahat kaya’t mahalaga ang tungkulin ng bawat isa na palaganapin ang balita ng kaligtasan ng Panginoon.

Tema ng Year of Missio Ad Gentes ang ‘Gifted to Give’ na isang naaangkop na paksa upang higit na maihanda ang mga mananampalataya sa paggunita ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 180,324 total reads

 180,324 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 251,415 total reads

 251,415 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 284,862 total reads

 284,862 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 320,162 total reads

 320,162 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 539,520 total reads

 539,520 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top